Chapter 4 - The Fear

3 1 0
                                    

Chrish's POV

"Bakit ganito nararamdaman ko habang tinitignan yung napakainosente niyang ngiti" . hindi ko namalayan na napahawak na pala ako sa dibdib ko.

Oo.

Sa tapat ng puso.

Napailing ako. Paano nakakaramdam na naman ako ng inis. Hindi ko pa din makalimutan yung ginawa niya nung isang araw. OO NUNG BINUHUSAN NIYA AKO NG TUBIG O KUNG ANO MAN YUN.

Nakakabadtrip talaga!

Siguro baliw talaga tong lalaking to eh. Tignan mo, pati ba naman pusa kinakausap. Malamang sagutin siya nung pusa.

Yuichi's POV

"Kain ka lang nang kain . . alam kong gutom na gutom ka!" may nakita akong pusa malapit sa bahay ko. Nagulat ako nung ikinaskas niya yung mabalahibo niyang katawan sa binti ko.

"meow... meee---ooow!!" sabi nung pusa habang nakatingin sa akin, winawagayway yung buntot. Nakatalungko kase ako sa harap niya ngayon, yung parang kapag tumatae hehe. 

"Huwag ka mag-alala, madami pa naman akong ganyan. Ipinamili ako ni Ma'am Dory. " sabay ngiti ko din sa kanya.

"Hmmmmm... dapat may pangalan ka" napaisip ako habang nakalagay ang hintuturo ko sa baba ko. Ano nga kaya bagay na pangalan sa'yo?

"Hoy weirdo! Hindi ka sasagutin niyan! "

halos mapatumba ako sa pagkakatalungko ko nung may marinig akong sumigaw mula sa gilid ko.

Teka siya yung babae nung isang araw. Tinuro ko siya sa sobrang pagkagulat." I-ikaw.. yu-ng babae nung isang araw !! "

Papalapit na siya sa akin ngayon, at parang nanlilisik ang mga mata. May problema kaya siya?

"Oo, AKO LANG NAMAN YUNG SINABUYAN MO NG TUBIG!!!!! WEIRDO! "

"Sabi ko naman kase sa'yo di ko sinasadya, kaya huwag ka nang sigaw dyan. Tsaka nag-sorry na ako diba, tsaka dapat ikukuha ki---.,"

"Shut up! Kalalaki mong tao napakadaldal mo!! "

"Huwag kang sumigaw, baka matakot sayo si Yuna, shhhhh" nilagay ko yung hintuturo ko sa labi ko para tumahimik na yung babae.

Ang ingay niya kase, ang lapit ko lang naman kase sumisigaw pa. Tsaka di nya ba kayang magsalita ng mahinahon?

"WHAT THE???? Well i don't care! And who's fvking Yuna?? Dalawa lang tayo dito weirdo!!! "

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 25, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Boyfriend Kong PromdiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon