***
Yuichi's POV
Kakagaling lang namin ni Ma'am Dory sa bilihan ng mga gamit. At kasalukuyan kaming nag-aayos ngayon kung saan sila dapat ilagay.
"Wow, ang laki ng improvement ah, hindi ko ineexpect na may igaganda pa itong bodega na'to" sabi ni ma'am habang inililibot ang mata niya sa bagong pintura kong bahay.
Napakamot na lang ako sa ulo ko "ah, eh salamat po. Pero bakit ang dami po nating kahon na binili? Parang hindi ko naman po kailangan ang iba dyan".
"pfft. Hindi yan kahon hijo," Tapos isa - isa niyang itinuro sa akin ang mga binili namin. "iyan refrigerator ang tawag dyan, eto naman T.V., eto naman, washing machine" ano daw? mashing mashing? para saan ba itong mga ito? Ngayon lang ako nakakita ng ganito.
"Iyan naman ang magiging closet mo" itinuro niya sa akin yung napakalaking kahon, sabi niya kanina doon ko daw ilalagay ang mga damit ko.
Kahit hindi ko naiintindihan ang ilan sa mga sinasabi ni Ma'am hindi ko na lang pinapahalata. Susubukan ko na lang sila mamaya.
"Ahh ma'am may tanong po ako" tumingin siya sa akin pagkasabi ko nun.
"Hmmm?" sagot lang ni ma'am. "Ano po ba 'to dati? Mukha naman pong hindi classroom, mukha hindi rin naman po bodega" .
"Hindi ko din alam eh, madami nang ginawang horror stories ang mga studyante dito, kaya bihira ang may pumunta dito kase natatakot sila haha".
"Horror?" ano ba yun? horror stories? parang hindi namin napag-aralan yun nung High School .
"Sige, Yuichi iwan na kita ha, madami pa akong gagawin sa office."
"Sige po, maraming salamat po ulit" kumaway ako hanggang sa makaalis na si Ma'am Dory.
Tinignan ko yung mga gamit na binili namin at isa-isa na silang inayos. Pati yung magiging kwarto ko inayos ko.
Naisip ko yung mga nangyari kanina nung namimili kami ni Ma'am Dory.
-Flashback-
Naglalakad kami papasok sa isang malaking gusali, sobrang manghang mangha ako at ang daming tao.
*duuuuuuuuuuugggggggg*
Nabangga ako sa isang pader na gawa pala sa salamin, akala ko kase walang harang.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Promdi
HumorPaano kung si innocent probinsyano guy meets boyish city girl? Will their world really turn upside down? Makakatulong ba si Chrish para malaman ang past ni Yuichi. Or iba ang madidiscover nilang dalawa sa isa't - isa. Samahan natin sila.