Pamela “Pam” Añala
Hi! I’m PAM. 14 years young, Morena, mataas at medyo kulot ang buhok, maganda and slightly petite. (ehem! May ganun ba? EWAN ko! Basta, yun na) Kasalukuyang nag-aaral sa isang Public HighSchool.
Nagsimula ang kwento ko sa isang simpleng text.
Pero bago dun, heto ang nangyari.
(Aba, Syempre! ‘Di naman pwede didiretso lang tayo sa climax diba? Hihi.)
(1ST DAY OF 3RD YEAR HIGH SCHOOL)
Papunta na ako ng school nun, excited na excited.
Hindi dahil sa bagong sapatos, bagong uniform, bagong gamit o kahit alinmang bago tuwing pasukan. Excited dahil… Wala lang, excited lang. Bakit? Bawal ba? HAHA, Joke. Excited ako dahil dala-dala ko ang kakarampot na pag-asa na makita muli si Mr. Crush. OO! Si crush. Lahat naman ata tayo may crush diba? Pampadagdag kulay sa mga buhay ng single katulad ko. Sino namang normal na tao ang walang crush? Kung meron man, hindi siya normal, ABNOY siya! ABNOY! Walang tao hindi nagkaka-crush sa ibang tao noh. So, balik tayo sa crush ko.. Hindi lang siya basta-basta na uri ng lalaki. Kakaiba siya eh. Medyo maputi, matangkad, matalino, at higit sa lahat, gwapo. Kamusta na kaya siya noh? Haha, Daydreamer talaga ako, haynaku, ewan ko na lang.
Teka! Mamang Tsuper, Para po!
Bumaba ako ng jeep.
Whew! Muntikan na yun ah?
Muntik na akong lumagpas sa skwelahan ko.
Nevermind that. So, heto ako. Palakad patungo sa room namin,
Nang bigla akong napahinto…
Diyos ko! ‘Di ko pala alam kung saan matatagpuan room namin.
Kakainis naman oh.
Buti na lang at nakatagpo at nakabangga ko ang dati kong kaklase sa 2ndyear, si Daisy.
“oy Pam! Hinahanap mo rin ba room mo?”
“Aba, oo Daisy. Parang nawawala na nga ata ako eh.
Ikaw? Hinahanap mo rin ba room mo?”
“Shunga! Magka-klase pa rin kaya tayo ngayon. Ayaw mo nun?
Sumabay ako sa ilang classmates natin ‘nung enrollment para magkakasama pa rin tayo ngayon.
Halika! Sama na tayo sa 2ndfloor ng building na ito, dun natin matatagpuan room natin. Bilisan mo na, baka ma-late na tayo!
“HAHA! Madaldal ka pa rin Dais, ‘di ka pa rin nagbago.”
Sa pagpasok namin sa silid,
Marami akong nakita,
Mga bagong mukha at mga kaklase ko dati.
Nagtitilian kami ni Daisy, na sana may kaklase kaming gwapo.
Gayunpaman, hindi ko nakita bestfriend ko.
‘Di namin napansin na pinag-uusapan na pala at pinag-titinginan kami ni Daisy.
Imbis na sumigaw ng malakas na “HI” sa kanilang lahat,
Pabilis na lang kaming lumakad papasok sa silid dahil pinagtitinginan na kami ni Daisy sa may door ng room namin.
Nakakahiya ang ginawa namin >___<
Sa pag-upo ko sa silya ko, ‘di ko pa rin maiwasan na maalala si crush at masulyapan kahit sandali man lang. Hindi naman bawal mangarap diba?
‘Di ko nga lang alam kung ano ang pangalan niya, naku! Nakakahiya ako. Pero, ayos na rin yun. Atleast alam ko, gwapo’t matipuno ang dating niya. Bakit? May narinig ka na bang tinatawag nilang crush na pangit? Haleerr! Pero baka nga meron din, ika nga, sabi nila, “Love is Blind”. Pero sino namang tanga ang naniniwala dun? Love is not blind noh! It sees but it doesn’t mind.
Habang nakikipag-kwentuhan ako sa mga dati ‘kong kaklase tungkol sa kanilang summer vacation, biglang may nagtext.
“Hi :]”
Sino kaya ‘to? Unknown number eh. Haynaku. Ipinamimigay na naman yung number ko ng mga hunghang na walang magawa sa buhay. *Kakainis* Sabi ngang ayaw ko ng textmates eh. Maka’reply na nga,
“Who’s this?” SEND…
Aba! Nagreply, at sabi:
“Guess who”
Aba! Makapal din ang hunghang na ito ah.
May pa “guess who(2x)” pa siya.
Nagreply ako ulit,
“Who are you? Sino ka ba talaga?”
Nang magreply na naman ang kapalmuks.
“Sorry. Pasensya kana, may pagka’makulit kasi ako eh, hehe. :)
Ako pala si . . . .
“Baron”
Wow, ang cute ng name niya. Sino kaya siya? Parang interesado ako sa kanya. Pagtiyagaan ko na lang muna ‘to habang ‘di ko pa nahahagilap si Crush.
“Ah, okay. Ako nga pala si Pam. :)”
“Alam ko, kaya nga itinext kita eh :)”
Ano ‘to? Kilala niya ako? Teka muna,
Parang may mali dito ah. Ba’t niya ako kilala?
May kilala ba akong Baron? Parang wala naman ah.
Ganun na ba talaga ako ka-sikat dito sa campus? HAHAHA.
Ang gulo-gulo ko. Daming tanong.
Minsan nga naaasar na rin ako sa sarili ko, kakaloka noh?
Pero sandali lang. Kakaloka ‘tong Baron ha.
San ba niya nalaman pangalan ko?
San niya nahagilap number ko? OMG!
Baka Secret Admirer ko siya?
OHMYGAAAAD! Haba ng hair ko teh.
Pano ba ‘to? Magrereply pa ba ako? Anong sasabihan ko?
WAIT! Pam, breathe in, breathe out. Relax lang.
“Ano? Kilala mo ako?”
“Aba, syempre. Ikaw lang naman ang pinakamagandang babae na pinagbuhusan ko nang buong atensyon ko dito sa buong campus.”
Posible bang matunaw ang tao? Kung oo, natutunaw na ako.
Ang sarap pakinggan ng mga sinasabi niya.
Kinikilig ako, kahit ‘di ko naman talaga lubos ma-picture out ang hitsura ng lalaki na ‘to.
Parang siya yung tipo na may malamig na malamig at nakakaamong na boses.
Baka gwapo siya sa personal.
But then again, there’s the concept of baka pangit siya, marunong lang mag-smooth talk o magpaikot ng mga babae.
Well, let’s see what this guy has in store for me.
“Ah, so. Schoolmates lang pala tayo? Saan mo ba nakuha number ko?”
“That’s not important right now, what is important is I will get to know my dream girl better and develop a more interesting relationship with her.”
Seriously, who is this guy? I mean, type ko nga ang lalaki na ala-Shakespeare kung magsalita pero anlakas ng tama nito saken. Bakit kaya?
“Oh. Okay. If that’s the way you want it to be, so be it Loverboy.”
”Alam ko’t naiinis at naiinip ka na sa akin. Pero thanks for entertaining me anyways. By the way, mag-uumpisa na class namin, I hope to see you later Pam. :)
Baron <3”
This guy is so good to be true. I hope magkaroon ako ng pgkakataon na makilala si Baron or whoever he is kasi baka screen name niya lang yun. But I couldn’t take a chance to doubt him somehow and I don’t know why.
So, the story Begins here.