Chapter 3: Chat

19 1 0
                                    

Zhayne's POV

Sabado pala ngayon walang pasok. At hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari sa school ko this week dahil nga dun sa pagpapakilala ko sa harapan chuchu. Nagkaroon ako ng maraming kaibigan sa room nmin.

Kinwento ko sa mother ko ang nangyari sa school at pinoint out ko yung sa pagpapakilala portion na yon!

Alam mo ba kung ano sabe sakin?

"Hay nako anak, pasalamat ka sakin at nagmana ka sakin!" Pagmamayabang ni mama sakin

"Si Mama patawa lage HAHAHA!" sabay tawa ko ng malakas

"Hoy ana---" pinutol ko yung ssbhn niya

"Pwede ba Ma, Oo nagmana ko sayo pero mas minana ko kay daddy yung mukha ko! At yung boses ko pinaghalo sa inyong dalawa." Pagpapatuloy ko.

Binigyan na lang ako ng aking Mama ng masamang tingin with matching pagtataray.

Hanggang ngayon hindi niya pa rin kasi matanggap na mas nagmana ako kay daddy. HAHAHA. Natawa nga ako dati nung bata pa ko nagaaway sila dahil pinagaawayan nila kung sino daw kamukha ko.

At kasawiang palad talo si Mama! HAHAHA.

So ayun na nga, at dahil sabado ngayon magfafacebook na lang muna ko. Matagal na rin ako hindi nakakapagopen.

Bumangon na ko mula sa higaan ako at nagsimula iopen ang PC namin.

Nang binuksan ko, laking gulat ko kasi ang daming ng add sakin. Pero puro mga classmates ko lang din.

Pero may isang umagaw pansin sakin na nagngangalang Cj Asuncion. Hindi ko ito kilala pero nung binuksan ko yung profile niya mutual friends ko ang mga kakalse ko.

"Cj" hndi ko napigilan naibulong ko sa sarili ko.

Oo si Cj. Ang heartthrob sa room namin at hindi lang sa room pati na rin sa ibang section.

*ttllnnggg*

"Ay kabayong ulol" ang gulat ko kasi bigla bigla na lang tumunog ang speaker ng PC namin sign na may nagchat.

Pagkatingin ko sa may monitor

"Ay si Cj lang pala nagchat"

"SI CJ?!!" Hndi ko napigilan sumigaw dahil ang isang heartthrob sa room chinat ako? OMG!

Cj Asuncion: hello po! Thankyou sa pagaccept :)

Me: walang anuman :)

Oo na! Aaminin ko Crush ko din sya pero walang malisya yun ah! Crush lang yon! Kayo talaga nako! Ang kikitid ng utak!

Cj Asuncion: ang ganda nung boses mo nung monday huh!

Me: Ay! Haha. Thankyou! :) ikaw din naman eh :P balita ko magaling ka din daw kumanta.

Cj Asuncion: hindi nman. Hilig ko lang talaga kumanta :)

Me: sus kunwari kapa haha

Oo if Im not mistaken kinwento sakin ni Angel na isa sa mga close ko sa room na magaling din daw ai cj kumanta. Oy hindi ko inalam yun ah! Si Angel kasi ang daldal ng bunganga. Nakinig nalang ako!

Cj Asuncion: kulit mo din eh noh? Ah Zhayne pwede ko ba makuha cp # mo?

Me: wala eh!

Pero meron. Di ko lang muna binigay! Kahit sabihin mong crush ko yan! Mamaya bad pala sya di ko pa sya kilala.

Pero mukhang mabait naman

Cj Asuncion:  weh?

Me: onga! Sa bday ko pa ako magkakaroon ng cp

Palusot.com! HAHAHA

Cj Asuncion: ay weh? Kelan bday mo?

Ay mali palusot ko! Huhuhu. Ang tanga tanga ko.

Me: secret :P

Cj Asuncion: ang damot!

Me: eh bakit kailangan mo pa kasi malaman?

Cj Asuncion: bakit masama ba malaman ang bday ng iba?

*Oo nga naman! Masama nga bang malaman bday mo?* Oo esep! Wag kang magulo jan!

Me: ah oo! Nakakamatay!

Cj Asuncion: huh? At kelan pa nakakamatay yun?

Me: ah eh ano! Kse! Ano dudukutin ni shomba yang mata mo tapos igigiling ka ng witch tapos yun! Mamamatay kana!

Cj Asuncion: huh? sinong shomba? At anong igigiling?

Me: ah wala!

Cj Asuncion: kelan nga?

Me: next year!

Cj Asuncion: ang kulet mo din eh noh?

Cj Asuncion: is typing...

Hahaha sana makaisip pa ko ng mga palusot.com ko para makalimutan niya yung tinatanong niya sakin

Cj Asuncion: I like you! :)

Oh dba? Nakalimutan na niya? Ang galing ko talaga! Whoo. Ilik---

"ILIKEYOU?!!" hndi ko napigilan sumigaw sa sinabi sakin ni Cj

"Anak! Ano ba yan kanina ka pa sumisigaw! Ano problema?" Pagtatanong sakin ni Mama mula sa ibaba

"Ah Ma wala po. Nakakagulat lang po yung pinapanood ko dito ng Paranormal!" Pagpapalusot ko muli

Muli nanaman tumunog ang PC namin

Cj Asuncion: hey! Anjan ka paba?

Me: Ah! Eh! Oo nandito pa ko. Hehe bakit? ^_^

Cj Asuncion: wala! Osige out na ko nga ko. Bye Zhayne ;)

Cj is offline.

Pero ano nga ba yung sinabi sakin ni Cj? Ilikeyou?

Bakit? Sa palagay niyo ano yun?

Imposibleng magustuhan niya ko! Uhm.

Ano? Gusto nya na dn ba ako? Crush nya din ba ako?

O-M-G!!!!

Infinity LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon