Zhayne's POV
<Hello asan na kayo? Andito na ko sa clubhouse! 1pm usapan ah?>
Sabi ko habang tinatawagan ko sila.
"Nakakainis sila ah! 1pm usapan eh!" Sabi ko sa isipan ko habang hinihintay sila
Oo andito ako ngayon sa clubhouse kung saan gaganapin ang groupings namin. Ano ba naman kaseng AP yan eh! Kung hindi lang ako masipag magaral hindi ako aatend dito! Pffftt! Ang masaklap pa, ako pa napiling Leader! Hindi ako sipsip ah? Si Maam pumili non!
"Hoy Zhayne! Lutang nanaman isip mo!" Nagising ang natutulog kong isip. Haha taray. De! Sinabi yan ni Alyzza sakin na groupmate ko na kadadating lang.
"Ang tagal niyo ah! Kanina pa kaya ko dito!" Pagtataray ko sa kanya
"Filipino time kasi! Masyado kang masunurin!" Pagsumbat naman sakin nitong si aLyzza
"Hello! Ako kaya nagsabi na 1pm! Nakakahiya naman kung hindi ako on-time diba?!" Pagtataray kong muli
"Okay lang yan 15 mins lang naman ako late eh! Kaysa magdadadada ka jan. Kung itext mo na sila!" Pagtanggi nya sa kanyang sarili
Hay nako! 12:50 ako nandito tapos ang pinakaunang dumating mga 1:15 na! Grrrr.
"Oh nanjan na pala sila eh" tinignan ko mula sa baba ang itinuro ni Alyzza. At ayun kumpleto na sila. Siguro nagusap usap 'tong mga 'to! Aba kumpleto na eh! Tss.
"Oy Zhayne loko ka ah! Birthday mo pala!" Sabay batok sa akin nitong si Mariel
"Ako pa loko? Makabatok ka! Ang shakit kaya! Huhu! Sumbong kita kay Mama ko!" Pagmamaktol ko
Pero may umagaw ng pansin sa akin ang isang Lalaki sa likod ng isa kong kaklase. Hindi ko siya marecognize. Kasi halos naman lahat ng kagrupo ko kakilala ko.
"Hoy Cj! Bakit ka nandito? Kagrupo ka ba namin?" Pagsigaw ni Alyzza mula sa tabi ko
Agad namang lumapit si Cj papunta sa direksyon namin.
"Bakit? Masama ba?" Sabay ngumiti sa amin na nakakaloko
Josko Lurd! Wag niyo po hayaang mahulog ako sa taong 'to! Nakakaenlav eh! HAHAHA.
"Oo bawal! HAHAHA. May pinuntahan ka siguro dito? HAHAHA" pangaasar naman ni Alyzza
Ngumiti na lang si Cj sabay tumitig sa akin nung papaalis siya
"Uhm? Problema nun?" Sabi ng isip ko
Mag aalas dos na kaya inumpisahan na namin gumawa ng kanta gamit ang mga bansa sa Timog Silangang Asya.
Nang makabuo na kami. Nagpahinga muna kami sandali. Para mamaya linisin na lang namin ang kanta.
Bibili na sana kami ng tubig ni Mariel kaso pinigilan kami ni Cj dahil may dala siyang pagkain na galing sa Mcdo.
"Magpapakain siya? Uhm, bakit ano meron?" Pagtatakang tanong ni Mariel sa akin
Tinaas ko na lang ang balikat ko na ang ibigsabihin ay hindi ko alam.
Tuwang tuwa naman ang mga kagrupo ko dahil nakakain sila ng Mcdo. Yung Bff bundles 5. Tapos 10 softdrinks at since 9 lang kami kay Cj siguro yung isa.
Habang kumakain kami nakita ko may Mcflurry overload doon sa isang plastik. Yummm! Favorite ko pa naman yun! Huhu.
"Hoy Cj! Bakit iisa lang yung ice cream! Damot mo ah!" Pagrereklamo naman ni Heverly
"Baliw! Para sa birthday girl yan! Favorite niya yan eh!" Sinagot naman ni Cj na may kasamang ngiti
BINABASA MO ANG
Infinity Love
Teen FictionMay isang babae na teen ager pa lamang na maaga nainlove. Hndi nya alam na gaano kahirap mainlove. Bsta alam nyang mahal sya at mahal nya tatawagin nya na iyong TRUELOVE. Maaga din syang nasaktan, kahit hndi pa nman dapat. Yung masyado syang exagger...