Having Seungkwan by his side is such a blessing.As for Wonwoo, ito lang ata ang tanging bagay na matatawag niyang swerte.
"Hyung, may club ka na bang nasalihan?"
Wonwoo shrugged his shoulder, "Wala pa."
"Sali ka na lang sa'min! Sa Tanghalang Theatro ako hyung, masaya 'yun."
Seungkwan is a such a talented kid. Bukod kasi sa talento nitong umarte ay magaling din itong kumanta.
Too bad, Wonwoo doesn't know even one of those two.
Kaya sa Theatro? Siya? Sasali?
"Hindi ako marunong umarte, Kwan."
"Eh kung. . . sa Musika kaya? Sakto hyung balita ko rappers daw hinahanap nila ngayon."
Saglit na napahinto si Wonwoo.
Rapper?
"Ba't hindi ikaw ang sumali?"
"Rappers nga hyung di'ba? RAPPERS! Bingi ka ba? Hindi ako marunong!" Seungkwan uttered, still focused on the food he's eating.
Kasalukuyan silang kumakain sa bagong bukas na bistro house sa harap ng kanilang paaralan. Bagamat kakabukas lamang ng kainan kahapon ay marami na agad ang costumer na naririto.
Syempre, sa harap ba naman ng school sila magpatayo di'ba?
Wonwoo was busy scanning the menu when the sound of the bell at the top of the door echoed inside the place, followed by the loud laughs coming from a group of students. And oh look at that.
Si Mingyu.
Lord, sana po nakalimutan na niya yung nangyari kanina. Please, please!
"Hyung, order mo daw." Seungkwan whispered.
Hindi ata niya napansin na ilang minuto na siyang nakatulala sa pinto. Iniisip ang katangahan na nangyari kanina sa hallway at ang nakakalokong ngiti ni Mingyu.
Due to frustration, Wonwoo rubbed his palms on his face.
ugh! nakakahiya talaga!
"S—sir okay ka lang po?"
Napahinto siya sa paglamutak ng kaniyang mukha nang mapansin ang waiter sa tabi ng kanilang lamesa. Seungkwan is giving him a hindi-kita-kilala look and everyone inside the bistro house is looking at him.
Sikat ka na Wonwoo!
"Ahh, inaantok kasi ako" Wonwoo pretends to rub his eyes in a slow manner, tsaka ito humikab.
"Dalawang burger, yung may fries na. Tapos isang Cucumber Lemonade at— sige dalawahin mo na."
Ngumiti ang lalaki sa kaniya bago umalis, "Sige sir, itulog niyo nalang po yan mamaya."
Kung kaya lang sigurong umikot ng mata ni Wonwoo ng 360° ay baka umikot na ito, 2 times pa.
When the same waiter approached Mingyu's table, kapansin pansin ang ingay ng mga tao na naroroon. Wonwoo can't help but to eavesdrop a little.
Malapit naman, di ko sinasadyang marinig.
the thought.
Wala namang sense ang ingay nila not until umalis ang lalaki upang ipunch ang order ng mga ito sa main counter.
"Pre, di mo trip si Jeonghan?", the man beside Mingyu asked.
"Hindi."
Basing on their looks, napagtanto ni Wonwoo na ang lalaking kumukuha ng order ay si Jeonghan. Wonwoo also noticed that the content of their noise is about Mingyu and that Jeonghan guy. Mukhang nirereto ng mga katropa ng lalaki ang waiter dito.
Medyo umingay ang mga ito nang marinig ang sagot ni Mingyu. Kadalasan ay daing sa kung bakit hindi nito gusto ang magandang lalaki, but Mingyu just shrugged.
"Eh sino ang trip mo?"
Tsk, malamang yung mga babae nung first day.
Mingyu turned his head to Wonwoo's side. Saglit na natigil sa Wonwoo sa pakikinig nang magtama ang mata nilang dalawa.
Then Mingyu smiled, "Ewan".