MALAMIG NA PAKIKITUNGO NG HARI SA REYNA KULAM 1

25 1 0
                                    

Sharea pov...

Ang akala mo ba matatanggap ka namin bilang kaisa ng aming lahi? Hahaha hintayin mo munang mag-karoon ka ng setro na sarili mong pag-aari baka sakaling igalang pa kita hahaha ayo ko sa isang reynang walang kapangyarihan."

Pagkatapos sabihin ng diwata ang mga salitang iyon ay agad niya akong itinulak kung kaya't napatumba na lamang ako sa lapag.

Agad naman itong umalis. Nagtungo na lamang ako sa silid namin ng hari, napapitlag ako dahil diriktang tumama sa akin ang sinag ng araw na nagmumula sa malaking bintana sa aming silid.

Mabilisan kong itinakip ang isang gintong kortina sa bintanang iyon ng sa gano'y walang makapasok na liwanag ngunit bigla na lamang akong nagulat dahil hinablot ito ng kung sino. Nang ito'y aking nilingon, dalawang matatalas na mga mata ng hari ang aking nabungaran. Ramdam ko din ang lamig ng kanyang presensya.

"Ano ang iyong ginagawa? Sini ang nagbigay sa iyo ng pahintulot na pakialaman ang kurtinang ito? Ah! Nakaligtaan kong takot ka nga pala sa araw. Huwag mong pakikialaman ang mga pag-aari ko sa silid na ito, bahala kana sa kung papaano mo lalabanan ang sinag ng araw na yan dahil wala akong pakialam sa itim na sorsoreng gaya mo!"

Agad itong umalis pagkatapos ng pangyayaring iyon, kinuha ko nalamang ang balabal ko atsaka isinuot.

"Paano ko haharapin ang pagsubok na ito, sana'y magabayan nyo po ako mahal na bathala."

Napa buntong hininga na lamang ako ng mga oras na iyon. Dalawang pagbilog ng buwan na simula ng ako'y ikinasal sa hari ng Celestine palace. Hindi ko alam pero dito sa mundo ng mga elemento walang mabuti o masama na base sa kanilang lahi, nakadepende ito sa niloloob ng iyong puso't damdamin.

Nag-tungo na lamang ako sa kwadra ng mga kabayo sa likurang bahagi ng palasyo at kinuha ko ang aking itim na kabayo na nag-ngangalang Jebreona. Alaga ko na siya simula pa noong bata ako at simula ng ikinasal ako kay haring Zy dito na rin siya nakatira sa palasyo kasama ko. Bukod tanging siya lang ang kasama at kaibigan ko sa kastilyong ito. Walang may mag-kamaling lumapit maging ang mga kawal at dama ay ilag.

Binabagtas ko ngayon ang daan patungong labasan ng palasyo nang bigla akong harangan ng dalawang kawal gamit ang kanilang sibat. nag-purmang ekis ang mahahabang sibat sa aking harapan.

"Ipinagbilin sa amin ng hari na higpitan ang buong siguridad sa loob at labas ng palasyo kaya mag-pakilala ka at anong pakay mo sa labas?"

Hindi na ako nagpa ligoy ligoy pa, hinila ko sa aking leeg ang panandang kuwintas at ipinakita sa kanila. Mata lang kasi ang nakalitaw sa akin dahil baka masunog ako sa sinag ng araw.

"Ang reyna! Naku! Layman him kamahalan, maari na po kayong dumaan."

Magalang nitong sabi, kaya tumuloy na ako. Ngunit bago pa ako makalabas may pahabol pa ang mga ito.

"Huwag ho kayong mag-tagal sa labas kamahalan sapagkat ilang sandali nalang ay mag-sisimula na ang piging."

An ito.

"Nauunawaan ko."

Sabi ko sabay patakbo sa kabayo. Unti Unti na ring nawala ang mga puting usok sa paligid hudyat na wala na ako sa loob ng makapangyarihang harang ng palasyo. Unti Unti na ring dumilim ang paligid hudyat na naka labas na ako sa bungad at nakikita ko na ang lati ng buwan na nag-sisilbing tanglaw sa dilim ng gabi.

--------

A/N...

Inuulit ko po na sarili kong imahinasyon ang nag papatakbo sa kuwento, kung kaya't hindi nyo na kailangan pang magtaka sa mga kakaibang pangyayari.

Vote nyo to kung gusto nyong mabilis ang ud and pls comment kayo huwag puro basa.

Don't forget to follow me...

Loveyou...

MY WIFE IS A WITCHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon