Tagapagsalaysay...
"Lahat po ba ng masasama ay may nakakatakot, at may kahindik-hindik na wangis?"
Tanong ng isang batang babae.
"Hatidies, halika, lumapit ka sa tubig."
Itinuro ko ang tubig ng lawa, dinasalan ko ito at inikot ang setrong hawak ko. Hindi nagtagal at lumitaw roon ang isang imahe ng nakaraan.
"Pagmasdan mo ang iyong wangis sa tubig na nanggagaling sa mahiwagang lawa na ito. Ngayon, sabihin mo kung ano ang nakikita mo saa kabooan ng iyong sariling repliksyon."
"Sambitin mo sa akin kung ano ang iyong nakikita."
"Mayroon po akong mahahabang kuku at mapupulang mata. At may mahahabang sungay."
Salaysay ng bata.
"May tanong ako sa iyo at gusto kong sagutin mo ito."
"Batid kong hindi na kaila sa iyo ang hidwaan ng mga puti at itim na mangkukulam. Ilang siglo na ang nakakaran hanggang sa kasalukuyan. Magkatunggali parin ang dalawang angkan. Ngayon, sabihin mo sa akin ang saloobin mo tungkol sa usaping ito. Sangayon ka ba sa ginagawang panghuhuling ginagawa ng nga kalahi mo sa kabilang angkan? Upang maging kaisa nila?"
"Hindi po, dahil wala namang ginagawang hindi maganda ang kanilang lahi sa amin. Sa katunayan nga! Sila ang nag pa takas kay ina sa kasagsagan ng digmaan. Kaya kung tatanongin nyo ako kung sang-ayon ako? Ang sagot ko ay hindi."
"Ngunit bakit?"
"Nais ko po kasi ng kapayapaan, at ang pag-kakapantay-pantay ng bawat isa, mag-kaiba man ang lahi nito."
Turan ng bata. Ikinumpas ko ang hawak kung sitro sa tubig saka-nag salita.
"Mayroon akong kuwentong ibabahagi sayo, masdan mo ang tubig."
Mula sa malinis at malinaw na lawa, lumitaw ang pigura ng isang babae.
A/N; ...
Susubukan kong mag seryoso sa kuwentong ito.
Vote...
Comment...And follow me!!!
BINABASA MO ANG
MY WIFE IS A WITCH
FantasiSiya ay may kakaibang wangis, taliwas sa mga ka-uri niya, ngunit, sa kabila nito, may-roon siyang angking ganda, na wala sa iba, dahil nag-mula ito mismo sa kanyang puso. Pero , sa kabila ng mala-halimaw niyang anyo, may naka-tago namang kabutihan s...