Sharea pov...
Nag-tungo nalamang ako sa gilid ng isang puno kaharap ang isang batis, napapalibutan ito ng mga malalaking mga bato, at kung tititigan ng mabuti ay buo at malinaw mong makikita ang iyong wangis dahil sa ma-aliwalas na tubig, aking tinitigan ang lating hugis ng buwan, ng bigla akong maka rinig ng huni ng kabayo mula sa di kalayuan, ng madako ang paningin ko sa isang kulay puting kabayo na hila hila ang isang puting karwahe na napapalibutan ng mga perlas na palamuti, ito rin ay nababalutan ng mahika dahil kumikinang sa liwanag ang buo nitong paligid.
Nang aking mabungaran ang lalaking may kakisigan, wala sa sarili akong napa ngiti. Si haring zy? Anong ginagawa niya rito sa labas?
Di nag-tagal ay na sagot narin ang aking katanungan, aking nakita ang katabi nitong isang babaeng sorsore na nag-mula sa lahi ng mga bahag-haring salamangkero.
Na tanggal ang ngiti sa aking mukha.
Hanggang ngayon nililigawan parin pala nito ang babaeng iyon?
Nasabi ko nalamang sa aking sarili, habang untiunting tumutulo ang aking mga luha.
Masakit sa pakiramdam na ang mahal mo ay may gustong iba, na nais makasama.
Napa tungo na lamang ako dahil hindi ko kayang makita silang masayang magkasama, bumuhos ang aking mga luha kasabay ang pag-guhit ng isang matalim na kidlat sa kalangitan, kasabay din nito ang pag-dagundong ng isang malakas na kulog, rinig na rinig ko ang ingay ng mga elementong nagka kagulo dahil sa sama ng panahon pero nanatili lamang ako sa aking kinauupuan at nag-patuloy lang sa pag-iyak.
Ikatlong panahon...
Hinahanap ng isang puting engkantada ang kanyang alagang lambana dahil bigla nalamang itong nawala.
"Marikit! Marikit! Asan kanaba bakit nawawala kananaman?"
Usal ng diwata, habang palingalinga sa paligid.
Ilang sandali ay dumaan sa kanyang gilid ang puting karwahe na nag-liliwanag, lulan nito ang dalawang engkanto na sa wari iya'y isang nmaharlikang uri dahil sa kanilang mga suot. Tahimik na kanya itong pinag masdan habang ang dalawa naman ay masayang nag-tatawanan habang nag-kukwentohan, nawala ang atensyon nito dahil umilaw ang asul na hiyas na nag-mumula sa kanyang setro. Ganoon din ang pananda sa kanyang nuo.
Endikasyon ito na mayroong panganib o di kaya may isang hindi pangkaraniwang pangyayari na magaganap.
Biglang na dako ang kanyang paningin sa nilalang na naka upo sa may malaking bato ngunit, bago ito, na hagip ng kanyang paningin ang repleksyon ng nilalang na iyon gawa ng malinaw na tubig na mula sa batis.
Pinag masdan muna niya ang wangis nito sa tubig, at mataman na tinitigan. Umiilaw ang kulay lilang pananda nito sa nuo at patuloy din sa pag tulo ang masagana nitong luha.
Ngunit ang higit na naka gimbal sa puting diwata ay ng makita nito ang sariling wangis sa repleksyon ng babae.
Magkaparehang magkapareha ang kanilang mga anyo liban nalang siguro sa kulay ng kanilang pananda, buhok, at kasuotan.
Kulay asul na may halong ginto ang sa diwata, habang ang nasa repleksyom naman sa tubig ay kulay lila na may halong pilak ang kulay. Ang pananda naman ay ganoon din, asul na umiilaw ilaw ang sa diwata habang ang sa isa naman ay kulay lila, at pareho din ang disenyo gaya ng sa kanya.
BINABASA MO ANG
MY WIFE IS A WITCH
FantasySiya ay may kakaibang wangis, taliwas sa mga ka-uri niya, ngunit, sa kabila nito, may-roon siyang angking ganda, na wala sa iba, dahil nag-mula ito mismo sa kanyang puso. Pero , sa kabila ng mala-halimaw niyang anyo, may naka-tago namang kabutihan s...