Ikatlong panahon...
Ikatlong panahon pov...
"Ang tatlong bagay na ito ay ang mga sangkap sa pag gawa ng panlunas ng reyna kamahalan."
Wika ng bavaylan sa hari. Ikinumpas nito ang kanyang kanang hintuturo sa ere, kasabay nito ang pag litaw ng puting usok na may anyo ng isang malawak na bundok. Ito'y malawak matarik at mapanganiv maraming mga halimaw ang nagkukubli.
"Hanapin mo ang matandang pantas na ang ngalan ay Izmo. Sa tuktok siya ng bundok nananahan. Ngunit, ang bundok ng Saquasmo ay lubhang mapanganib. Maari mong makaharap si Seruvia. Ang diwata sa bulkang odaze na tagabantay ng lupain kung saan sakop ang bundok saquasmo. Napaka tuso ng diwatang Ian. Maari ka niyang malinlang. Isa sa kakayahan nito ay ang tagabulag. Maari ka nitong linlangin sapamamagitan ng pag kuha sa iyong loob. Ang masama pa, kapag nakuha na nito ang iyong diwa maari ka nitong gawing alay para madagdagan ang kanyang lakas at buhay. Lalo na't isa kang maharlika.
"Hindi ko mailalarawan sa iyo ang anyo ng masamang diwata na iyon kamahalan. Sapagkat nagiiba iba ito ng anyo. Minsan ko na ring nakaharap ang bulaang diwata na iyon, pero hindi ko matukoy kung ano ba talaga ang tunay nitong kaanyuan. Basta ito ang tatandaan mo kamahalan. Ipapakita sa iyo ng buhong na iyan ang anyo na sa tingin nito'y kaakit akit sa iyong paningin. Kaya ibayong pagiingat ang iyong kakailanganin." Ikinumpas ng manggagamot ang kanyang setro at lumitaw ang kulay lilang liwanag mula rito. Ipinakita nito ang imahe ng isang puno na kung titingnan ay May mayayabong na mga sangga at mga dahon mayroon itong mga bungga na umiilaw. Kulay pula ang mga ito. ang isa sa mga sangkap sa pang lunas ng reyna.
"Nakakamanhang titigan ang mga bunga ng punong ito kamahalan at isa sa mga bungga nito ang makakapagpagaling sa inyong asawa ngunit kapag nagkamali ka ay tiyak na ito ang magiging dahilan ng kanyang kamatayan. Kung iyong makikita kamahalan parepareho ang anyo ng mga bungang ito.
Ang
bunga ng punong Cypress ay lunas ngunit kung hindi bukal sa loob mo ang pag pili at basta ka na lang kumuha ng bungga ng hindi pinagiisipan saka pa lamang ito magiging lason. Walang palatandaan o pagbabago sa kulay ng bungga nito kamahalan kaya mas maigi kung magkaroon ka ng pagiingat.
"
Napahawak naman sa kanyang sintido ang hari at nasabi na lang sa kanyang sarili na malaking suliranin na naman ang dinulot sa kanya ng babaeng kanyang pinakasalan.
"Ano pa ba ang mga sangkapna hahanapin para sa panlunas?" Mariin nitong sabi at mababakas sa boses ang pagkairita. "Puntahan mo ang ilog ng Biryo kamahalan, sumalok ka ng tubig mula sa ilog na iyon. Madali lamang ang pagkuha ng tubig mula roon
ngunit mahihirapan ka kapag bumaba ka na ng bundok dahil pagtatangkaan iyang agawin ng mga alagad ng dilim na nais makapasok sa sagradong bundok ng saquasmo. Nais ng mga itong makainom ng tubig mula sa ilog para kapag may makakita sa kanilang pagalagala sa loob ng sagradong bundok ay hindi sila ma aamoy at mahahalatang alagad ng dilim. Dahil ang Tubig sa ilog na iyon ay nakakapag linis ng katauhan at nakakapag alis ng matinding lason kahit sa hangin . Kaya sasamantalahin nila ito. Dahil kahit na pansamantala lang nila itong magamit ay malaking bagay na dahil maari silang
mag manman para sa kanilang pansariling kagustuhan at kasakiman. Malaking problema pagnakataon.
Lagi lang silang nasa ibaba ng bundok nag aabang ng aakyat at bababa.
Ito ang huling sangkap kamahalan. Pumitas ka ng isang perasong dahon ng Quesiass. Isa itong dahong kulay itim at matatagpuan ito sa tuktuk ng bundok.
nagiissa lamang ang bulaklak na ito at binabantayan ito ni Hadias ang tagapangalaga ng hardin ng diwatang si Cantia." Kinuha ng manggagamot ang
Kuwentas nito sa kanyang leeg at inabot sa hari. "Kunin mo kamahalan, itong pananda ko ang ibigay mo sa tagapagbantay ng hardin upang mapahintulotan kang pumitas ng dahon. Inabot naman ito ng hari. Ang panghuli mong gagawin kamahalan puntahan mo na si Esmo. Para sumama sa iyo pababa ng bundok. Ipakita mo lang ulit sa kanya ang kuwentas kong iyan upang maniwala siya na pinadala kita roon para gawin ang misyon. Napatango na lang ang hari.
"Tandaan mo na sa bawat hakbang na gagawin mo kamahalan ay kailangang mag isip ng tama at huwag basta-bastang kumilos ng wala sa hulog at padalosdalos. Tandaan mo kamahalan hindi lang iisang buhay ang mapapahamak kapag nawala ang iyong reyna maaring dito na mag wakas ang iyong pamumuno. Tandaan mo kamahalan marami ka pang mga kamagaanak na puweding pumalit sa iyong posisyon pagnakataon.
Tinitigan ng hari ang mukha ng natutulog nitong asawa.
"Hindi bumabagal ang oras kamahalan kaya kailangan mo nang kumilos habang maaga pa." Turan ng manggagamot.
A/N; Hi guys nabuhay ako pagkalipas ng maraming daang taon heheheh joke. pasensya na no update. ngayon lang lumitaw nakalimutan ko kasi ang password ng account ko eh kaya ito hahahah . 💕 Please comment namanb kayo at share nyo to then vote na rin basta iyon gawin nyo happy na ako heheeheh
BINABASA MO ANG
MY WIFE IS A WITCH
FantasíaSiya ay may kakaibang wangis, taliwas sa mga ka-uri niya, ngunit, sa kabila nito, may-roon siyang angking ganda, na wala sa iba, dahil nag-mula ito mismo sa kanyang puso. Pero , sa kabila ng mala-halimaw niyang anyo, may naka-tago namang kabutihan s...