IRROPS
IRREGULAR OPERATIONS
Ganyan sa trabaho namin tuwing BER.
Tapos pangumaga pa kami. Nakakaloka yung schedule. Queueing pa. Hindi ko alam kung ano ba tong pinasok ko. Jusko.
"Wala ng station babyboo." Sabi ni Maj.
Nakakainis pag walang station. Nakakahiya kayang mag-english. Lalo na kapag hindi mo alam kung tama ba yung Grammar mo. Kung malakas ba masyado yung boses mo.
HIGH-BU-HIGH!
"Baby girl, dyan ka nalang muna malapit sa station ni TL Lizzie. Mamaya magkakasama na tayo ulit." Sabi naman ni Krizzy.
Wala naman akong magagawa. Kahit hindi ko kilala yung team na nakaupo, umupo nako. Late nako eh. Hindi ko na nga alam itsura ko.
Tuwing papasok kase ako ng Ops, parang lahat sila nakatingin sakin. AWKWARD.
Pero hindi ko din sigurado, kase malabo talaga mata ko. Narerealize ko na siya.
"Kulay puti. Ano ba naman yan. Ang hina siguro nito." binulong ko nalang sa sarili ko kase lahat ng katabi ko nagca-calls na.
Hindi ko naiwasang tignan kung sino yung nasa harapan, likod, kanan at kaliwa ko. Parang tatawid lang. Tinitignan ko kase kung may ngingiti sakin or what.
"FRIENDLY NGA KASE AKO"
I started logging in. Kase sigaw na ng sigaw si SD Nikki. Late na daw ako. Lagi naman. Since highschool, college at hanggang ngayon nadala ko yung sakit na yun.
Kaloka diba.
"Okay Joy, magcalls kana. Don't mind everybody. Pretend they're not there." Kinausap ko na naman yung sarili ko. Pero wag kayong magalala sa isip ko lang yun.
Habang nagca-calls, sinubukan ko talagang magfocus. Hindi ko talaga iniintindi yung mga katabi ko. Pero naco-conscious padin ako.
Pag alam kong malakas na yung boses ko, hinihinaan ko na bigla.
"Can you louder your voice please." Sabi sa other line. Pano ba naman kase ang tanda na nung kausap ko. Pag nagkataon, magkaka-DSAT pako nito.
Hindi ko alam kung nababaliw na ba ko kase wala pa kong kain. Wala pa kong breakfast. Kaya ayoko ng gantong schedule e. Pero maiba tayo. Nai-intimidate ako sa lalaki sa harap ko.
Alam kong maliit ako. Hindi ko nakikita ng buo yung nasa harapan ko. Kaya ginagawa ko din yung ginagawa niya. Kada salita ko sa passenger silip din ako ng silip sa kanya.
Ang weird lang. Feeling ko nagagandahan sakin to e. Ang ganda ng boses niya infairness. Ang galing niya mag-english. Naririnig ko siya kahit may kausap ako.
"Joy Santos, lipat na dun sa kabila." Narinig ko na naman si SD Nikki.
"Aux 13 or Aux 16 SD?" Pero pinindot ko na yung AUX 13. HAHAHA. Tapos niyakap ko siya. Hug. Hug. Hug. Hug. Tapos inamoy amoy ko siya. Bango talaga. Kaso bakla. HAHAHA.
Lumipat na kami. Natapos ang Shift at umuwi kaming masaya. Salamat tapos na ang araw nato.
BINABASA MO ANG
#19
Short StoryA short story of an unexpected love. A forever made in heaven. Two persons that complimented each other. Drew love by faith, chances and past downfalls.