Ang dami ko na namang Notifs. I love blogging. Lahat ata ng application for sharing photos and shoutouts meron ako. Facebook. Instagram. Twitter.
Syempre active ako sa Facebook. I love sharing photos. Bukod sa mahilig akong magselfie, Camera ng buong team yung cellphone ko. Kaya lagi akong nasa News Feed e.
Madami na namang nag-add sakin na hindi ko kilala. Bago muna ako magconfirm, tinitignan ko muna syempre yung mutual friends. Konting chismis sa wall. Tapos confirm kapag pasado sa mga metrics. Metrics? Ano daw? Hahaha.
Eugene Cris Yordan Flores
9 Mutual Friends
Ni Qoi and 8 other friends.
Nagandahan ako sa name. Onting chismis muna sa wall niya. The Infamous Eugene. Nakita ko sa alternate name. Wow. Infamous. Medyo bad boy. Hindi naman ako nagdalawang isip na hindi siya i-confirm kase bukod sa nagandahan ako sa pangalan niya friend niya din naman si SD Nikki. Ayos lang. Safe.
Ang galing niyang magenglish. Mukha talagang cool tong taong to. Feeling ko makakasundo ko to. Feeling cool ako e. Nabasa ko yung hinaing niya about sa wrong grammar. Nakakatatlong fb na daw siya wrong grammar padin daw nababasa niya. Ang yabang lang.
Wrong grammar. Wrong grammar everywhere. May nabasa pa kong napakahabang post. Tungkol sa Math. Bakit daw kailangan pa ng Math. Ewan ko dito. Ang talino pala nitong taong to. Medyo famous din ah.
Ayokong mag-assume dun sa nabasa ko. Pero feeling ko ako talaga yun e. Bahala na. Hahaha.
Sana paggising ko bukas naconfirm mo na yung request ko. Hindi yung puro tingin ako sa picture mong nakaMirror Effect habang nanonood ng NBA at nagmimidnight snack.
Ako ata yun. Guilty kase ako sa Mirror Effect na pictures. Kung ako man. Na-confirm ko na! HAHAHA.
BINABASA MO ANG
#19
Short StoryA short story of an unexpected love. A forever made in heaven. Two persons that complimented each other. Drew love by faith, chances and past downfalls.