Wala na kong ibang nasa isip kundi umuwi. Pagod nako. Isa pa, hindi ko din type yung suot ko ngayon. Cream shirt and moss pants. Medyo hindi ko feel. Buti nalang may Big ribbon yung hair ko na bagong rebond. HAHAHA.
AS USUAL YOSI. Hindi ako nagyoyosi. Sila lang. Never kong naisipang tikman yun. Nakakairita kaya ang yosi. Hindi ako makahinga pag naaamoy ko yung usok nun. Lalo na kapag may ubo at sipon ako. Nakoooo.
Nasanay nalang ako. Nakakaboring magantay kaya hindi naming maiwasang magkwentuhan about sa Calls. Lagi nalang. Nakakaumay na.
"May isa akong pax umiiyak na talaga siya kase cancel na yung flight tapos gusto niyang kunin yung number ng SFO AIRPORT. Kase nga yung Dad niya hindi niya alam kung pano niya ipa-page." Sabi ni bern.
Kunwari nakikinig ako. Kunwari may pakelam ako. Pero nakakapanlumo nga yung mga ganung situation. Nakakatuwa namang sumingit tong si Chao at sumigaw ng "SELFIE". Pano bago kase yung phone niya. Hahaha.
Game na game kami sa Selfie. Ka-tandem ko pa lagi si SD NIKKI. Panay pose naman kami. Bahala na kung anong itsura. Infairness cute padin ako. Chos.
"Sama ako." May narinig akong boses sa hindi naman kalayuan. Sabay pa kaming tumingin ni SD.
Hindi ako nagulat. Feeling ko nga ang kapal ng mukha ko. Sobrang nice ko kase. Inaya ko yung guy. Yes its a guy. Yung guy na kinekwento ko na nginitian ko ng bongga kahit hindi ko naman siya kilala.
"Tara." Sigaw ko. Makaaya lang? Close kami. Feeling close. HAHAHA Hindi ko alam kung pano naputol yun. Nagaya kase silang umuwi na. Edi naglakad na kami. Sumakay ng jeep at umuwi sa kanya kanya naming bahay.
SA WAKAS PAHINGA.
BINABASA MO ANG
#19
Short StoryA short story of an unexpected love. A forever made in heaven. Two persons that complimented each other. Drew love by faith, chances and past downfalls.