Eat.Sleep.Auto in.
Everyday life namin yan. Malapit ng magpasko. Sobrang dami ko palang inaanak. Naloloka ako. Pero ang sarap lang isipin na ang laki ng sahod na makukuha ko. Puro ako checklist. Ang dami kong reregaluhan e.
Sobrang bilis ata ng oras ngayon. Buti nalang hindi ako na-long call. Uwian na naman e. Nauna na naman yung iba sa locker. Tapos yung iba nakaupo na sa harap ng Vendo Machine. Andun yung guy e... Nakalimutan ko yung pangalan niya. Eugene. Eugene daw pangalan niya. Naalala ko sinabi sakin ni SD Nikki. May gusto daw sakin yun. Tinatanong daw pangalan ko e.
Hindi ko alam, pero naalala ko pa yung sinabi ko kay SD nung sinabi niya sakin yun.
"Crush agad? Tinanong lang pangalan? O.A." Sabi ko.
"Oo nga! Bahala ka. Maganda boses nun. Kaso wag yun." Sabi ni SD Nikki. Wala naman akong balak magboyfriend no. On and off din kase kami nung ex ko. Tsaka I DONT NEED A MAN.
HINDI KO ALAM KUNG BAKIT KO SIYA TINITIGNAN. Nakaupo siya na parang nasa bahay lang. Naaastigan ako sa kanya. May IPHONE kase. Nakakapogi pala talaga yun. Baka sakin lang. HAHAHA. May weird fetish kase ako sa Cases ng phone. Kaya una ko talagang nakita yung case nung phone niya. Medyo colorful. Naiimagine ko kapag may Iphone ako.
Weird ko talaga. Gusto ko din yung Cap niya. Basta ang pogi nung porma. Minsan lang akong mamangha sa mga lalaki. Hindi ako tumitingin sa lalaki e. Mabilis yung mata ko sa magagandang babae. Femme.
Nabanggit ko na bang bukod sa pera, kaya ako nagtatrabaho kase para malabas ko yung fashion sense ko. Arte diba. I love dressing up. Kahit cheap lang yung damit basta maganda isusuot ko yan. Kaya siguro ako nakatingin kay Eugene. Kase gusto ko yung porma niya e. Pero wala akong gusto sa kanya. Wala... Wala sa isip kong magkagusto sa lalaki.
BINABASA MO ANG
#19
Short StoryA short story of an unexpected love. A forever made in heaven. Two persons that complimented each other. Drew love by faith, chances and past downfalls.