Psychopath

14 2 0
                                    

Psychopath

Nakangiti ako habang hawak ang matalim na kutsilyo. Napangiti ako ng pilyo habang pinagmamasdan ko ang susunod na target ko. Sophia, ang babaeng umahas sa kasintahan ko. Masaya itong naglalakad habang hawak ang bulaklak na bigay sakanya ng ex ko. 'Ikaw na ang isusunod ko' napangisi naman ako sa sinabi ko. Ito na ang hinihintay ko. Ang pagpasok nya sa madilim na kalye, ay naging hudyat ng aking pag atake. Agad kong tinakpan ang kanyang bibig sabay hila sakanya sa ilog kung saan ko balak gawin ang aking plano. Tinali ko sya sa puno at agad sinaksak sa braso. Napahiyaw man sya sa sakit ay hindi naman rinig. Pinlano ko tong mabuti kaya sigurado akong garantisado ito at hindi naman ako nabigo. Unti unti humihina ang kanyang mumunting daing dahil na din siguro sa dami ng dugong nailabas ng kanyang braso. Hindi pa ako nakuntento dito at dinukot ko ang mga mata nito. 'Nakakaakit talaga ang mga mata ng tao' sabi ko sabay subo nito sa bibig ko. Sinunod ko naman ang puso nito. Sinaksak ko ang bandang puso nito at ibinuka. Nang makita ko ang pakay ko ay agad ko itong kinuha at kinain din gaya ng ginawa ko sa una. Pagkatapos ay ginawa ko na ang huling pakay ko. Sinaksak ko ang ulo nito hanggang sa mabutas at makita ang utak nito. Dinukot ko ito at inilagay sa garapong dala-dala ko. Ang katawan naman nito ay madalian kong inilagay sa sako at ibinitbit pauwi dahil maari ko pa itong iluto at ibigay sa mga pulubing nasa tabi tabi. At ganyan ang naging daloy ng buhay ko bilang isang PSYCHOPATH.

Ps: Inspired po ito sa 'Diary of a Psychopath o Ariela'

One Shot StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon