Prank

19 2 0
                                    

PRANK!!

'Lagi na lang wala ang asawa ko. Tingin ko namg bababae na yun, tsk.' Bulong ko sa aking sarili. May sumilay na isang pilyong ngiti sa aking mga labi ng may naisip akong kalokohan. Bwahahaha! Agad akong tumayo sa higaan at dali-daling nagtungo sa isang cabinet kung saan may makikitang papel at ballpen. Nagsulat ako doon at kunwareng nagpaalam na aalis na at hindi na babalik pa. Inilagay ko ito sa ibabaw ng lamesa doon sa aming kwarto atsaka ako nagtago sa ilalim ng higaan. Nang makarating ang asawa ko ay nakita ko na ang mga paa nya na papunta sa table kung saan ko nilagay ang sulat. Nabasa nya iyon ag tila ba may idinagdag sa sulat. Maya-maya pa ay nakita kong kinuha nya ang kanyang telepono at waring may kausap. 'Hello, baby? Wala na ang asawa ko. Umalis na sya sa bahay.' 'Yea, I'll sleep with you tonight' sabi nya at umalis ng bahay. Wala ako sa sariling umalis sa pagtatago sa ilalim ng higaan habang ang mga luha ko ay unti-unting dumudulas pababa sa aking pisnge. Nilapitan ko ang papel at binasa ang idinagdag nyang sulat. 'Tsk. Ang tanga mo magtago, babe. Nakikita ko yang mga paa mo sa ilalim ng higaan. Dyan ka lang muna, bibili lang ako ng hapunan.' Agad naman akong napamura sa katangahan ko.

One Shot StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon