Psychopath ||
Habang nakatanga ako sa apat na sulok ng aking kwarto, may kakaibang tinig ang narinig ko sa magkabilang tenga ko. 'Pumatay ka, pumatay ka. Hahaha' pinilit ko mang ibaling ang ulo ko ay ito padin ang naririnig ko. Hanggang sa unti-unti na nitong nilamon ang buong sistema ko. Nagdiretso ako sa kusina ng maliit na bahay ko, at agad kinuha ang kutsilyong pinakaaasam ko. Sakto naman ang pagtawag ng matalik na kaibigan ko. Hindi ko ito sinagot ang dali-daling pumunta sa bahay ng kaibigan ko. 'Ikaw.. ikaw ang target ko.' Napangisi ako sa nilabas ng sariling bibig ko. Hindi ko inaasahan na kahit kaibigan ko, hindi makakaligtas sa pagiging baliw ko. Nang marating koang bahay ng kaibigan ko ay agad akong pumasok dito. Kahit baliw ako ay may awa padin ako sa kaibigan ko kung kaya't madalian lang ang pagpatay na ginawa ko dito. Isang saksak sa puso at kaputol na braso upang panghapunan ko. Masaya na ako dito kung kaya't dali-dali ang pag uwi ko. Pagkauwi ko ay agad akong napahiga sa maliit na kama ko. Ngayon ko naramdaman ang pagod sa kakatapos lang na pagpaslang ko. Agad din naman akong nakatulog dahil sa pagod.