CHAPTER 2

19 2 0
                                    

Chapter 2: First video

*Naiah POV*

"Lumayas ka dito! Ikaw ang malas dito sa bahay na ito. Ikaw ang dahilan ng pagbagsak at pagkalugi ng kompanya! Napaka walang kwenta mo talagang bata ka. Dapat pinabayaan ka nalang namin sa kalsada nung sanggol ka palang." sigaw ni mommy sakin na galit na galit dahil nalugi ang company nila ni daddy at ako ang sinisisi nila. Nalugi ito dahil sa isang contract nila kay Mr. Chua na malaki ang ambag sa company.

"Sorry po mommy. Hindi ko naman po sinasadya na mabasa ko yung contract ninyo ni Mr. Chua at matapunan sya ng kape na inihanda ko po para sa inyo ni daddy kasi alam ko po na malaking deal yun sa company. Sorry po ulit." paliwanag ng batang Naiah sa kanyang ina na.

"Eh ayun na nga. Alam mong mahalaga yun tapos susulpot sulpot ka. Alam mo naman na umpisa palang wala ka ng nagawang tama dito sa pamamahay na to. Tapos ano pa tong ginawa mo? Sinira mo ang company na pinaghirapan namin. Nawala ang kaisa-isang pag asa ng kompanya." paninigaw ng ginang sa bata. At dahil sa gigil ay pinalo nito ang bata ng sinturon na nakita sa couch.

Nagmamakaawa na ang bata sa ina na itigil na ang pamamalo dahil namamanhid na ang halos buong katawan nito. Pero parang walang naririnig ang ginang at patuloy lang sa pagpalo  hanggang sa makontento na ito sa kanyang pamamalo sa bata. Ibinuhos nya lahat ng stress at galit sa batang walang kalaban laban.

"Naiah"

"Naiah"

"Naiah gising. Gumising ka, binabangungot ka na naman."

Bigla akong napamulat ng marinig ang boses ni Claire na ginigising ako at kita sa mukha nya ang pag-aalala sakin.

"Claire! Napanaginipan ko na naman. Yung mga bangungot sa buhay ko. Hanggang ngayon hinahabol pa din ako. Hindi ko na alam gagawin ko. Ayoko na silang maalala." sabi ko kay Claire na habol ang hininga ang naluluha na.

Lagi ko nalang napapanaginipan yung mga bagay na iniwan at tinalikuran ko na. Dahil ayaw na din naman nila ako sa pamilya nila bakit pa ko mag-stay diba ? Kaya kusa na kong umalis sa bahay ng magulang ko nung maging legal age na ko.

"Sshh tama na Naiah nandito naman kami. Kami na ang bago at tunay mong pamilya. Wag na wag mong kakalimutan yun ok?" pagpapagaan ng loob sakin ni Claire.

Alam ko naman. Sila ang nanjan nung nawawala ako sa landas. Nung mga panahong di ko alam kung saan ako pupunta. Sila ang nanjan nung walang wala ako. Sila yung sumalo sakin. Sila yung nagparamdam sakin na worth it ako, na kamahal mahal ako. Hindi lang sila tunay na kaibigan kundi sila yung pamilya ko. Pamilyang bumuo sakin at hindi ako pinabayaan kahit ano pang unos ang dumating.

Nginitian ko nalang si Claire bilang tugon sa mga sinabi nya. Umalis na din sya para maghanda sa pagpasok sa school. At ganun din ang ginawa ko.

Paglabas ko ng kwarto ko ay nadatnan ko yung tatlo sa dining table na nagkukwentuhan at kitang kita sa kanila ang saya. Napangiti na din ako sa nakita ko.

"Ang swerte ko talaga sa mga to." bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa kanila at nagpunta na sa upuan na nakalaan para sakin.

Mabilis lang kaming kumain dahil mejo malayo layo pa ang lalakarin namin papuntang school at kung di pa kami aalis ay baka pare-parehas kaming malate sa mga subject namin.

Si Claire Marie Devilla ay isang Culinary Arts, kaya mahilig syang magluto at mag-ayos ng sarili nya dahil kailangan daw yun para sa personality development nila. At feeling ko kahit naman wala silang paganun eh palaayos talaga si Claire.

Si Justine Lay naman ay isang Criminology, dahil daw pangarap nya na yun mula bata palang sya. Pero hindi halata sa kanya kasi mas mukha syang kriminal. *kidding*

NIRveinATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon