CHAPTER 5

3 1 0
                                    

Chapter 5: I trust you

*Naiah POV*

10:24 pm na nang tignan ko ang wall clock ko at nag aayos na ko ng sarili ko para mamayang 11pm na napag-usapan namin nung lalaki kanina.

Kailangan kong mag-ingat sa paggalaw dahil tulog na ang mga kasama ko at sigurado ako na hindi nila ako papayagan kapag nalaman nila na aalis ako nang dis oras na ng gabi.

Bago pa mag11 ay nagmadali na kong umalis ng apartment dahil nakakahiya naman kung paghihintayin ko yun at hindi kami umabot sa dare, kasalanan ko pa.

Paglabas ko ng apartment ay agad akong naghanap ng taxi papunta sa mall.

Pagkarating ko sa parking lot ng mall ay naabutan ko ang isang lalaking nakatayo sa gilid ng kanyang kotse, nakamaskara ng pula at nakatitig sa akin ang asul nyang mga mata.

Kahit nasa malayo ako ay kitang kita ko ang nakakalunod nyang titig sakin. Sumisikip ang dibdib ko. He looks familiar.

Pumunta ako sa tapat nya, at tulad nya ay nakamaskara din ako. Sinalubong ko ang titig nya kahit nakakalunod ito. Ang sama ng tingin nya, di ko alam kung naiinis ba sya dahil mas nauna sya sakin o naiirita sya sa presensya ko.

"Get in." sabi nya sakin ng hindi umaalis ang titig nya sakin.

"O-ok." tanging nasagot ko. Shet! Bakit ako nauutal sa kanya.

Pagkasakay ko sa passenger seat ay pumasok na din ang lalaking kasama ko. Nilibot ang mata ko sa paligid ng kotse nya nang dumapo ang mata ko sa dashboard at doon may nakita ako na nagpalamig ng buong katawan ko.

Isang panyo na may print ng NIRveinA at isang handcuffs at may kasama itong letter.

"Dear player, this is the props that you will be using during your dare to add more thrill and excitement for all of us.

This is the rules.

The driver should wear the handkerchief to his eyes while the passenger should wear the handcuffs where she can't reach the streering wheel.

Driver. You can't see anything.
Passenger. You are the eyes.

Good luck players." basa ko sa letter na nakasulat.

Pagkabasa ko ng letter ay napamura nalang ako sa isip ko.

"Is that for real? Like wtf. Papatayin ata nila tayo eh. 143km/h plus nakapiring ka at ako hindi ko pwede mahawakan yung steering wheel. Paano nalang kung mabangga tayo? Baka mamatay tayo. Ayoko pa mamatay!!" tanong ko ng dire-diretso at sobrang nanlalambot ako. Hindi ko alam kung kaya ko maging mata nya habang mabilis yung takbo ng sasakyan.

"That's the game you can't do anything about it. Kaya ka nga pumasok dito sa game na to diba? Kaya wag ka magreklamo." sagot nya sakin at kinuha ang panyo sa kamay ko at inaayos na ito.

"Wait! Susuotin mo agad yan? Hindi pa tayo nakakalabas ng parking lot!!! Lumabas muna tayo!" sigaw ko sa kanya habang dire-diretso sya sa pag-aayos at pagsuot ng panyo sa mata nya.

"Shut up! Mauubusan tayo ng oras kapag di pa tayo nagstart." sagot nya at inayos na din yung handcuffs na gagamitin ko.

Kinuha nya ang handcuffs at sinuot sakin at pinosas din ito na malapit sa upuan kung saan  makakita ako ng maayos sa daan.

Pagkatapos nya akong ayusan ay yung cellphone naman ako inayos nya, yung sakin ay tinapat nya sa daan at ang kanya naman ay malapit sa kanya kung saan makikita naman ang meter. Para makita ng viewers na nareach namin ang 143km/h na dare.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 09, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

NIRveinATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon