Chapet 3: Kissed
*Naiah POV*
Natapos ang araw ko na sobrang hiyang-hiya sa ginawa ko. Matapos kong isigaw yun ay umupo na ako at tinago ang maskara na suot suot ko. Saktong na-stop na din ni Sofia yung video after nilang tumawa lahat.
Sobrang pinagtawanan ako ng mga classmate ko at tinatanong kung ano daw naisipan ko at sinigaw ko yun. Tahimik lang ako at pinagtawanan lang din naman ako ni Miss Magcalas. Hindi na nya ako tinanong pero sinabihan nya akong alam naman daw nila yun at tinuloy na ang discussion matapos ang ginawa ko.
Nasa kwarto ako at nakatulala sa kisame na hanggang ngayon iniisip kung ano mangyayari sa ginawa ko. Hindi ko na kasi inabalang tignan yung cellphone ko after nun.
"Haist! Nakakahiya ka talaga Naiah kung ano ano nalang pinaggagawa mo! Kung hindi lang dahil sa NIRveinA hinding-hindi ko gagawin yun. Aaaahhhh!" inis na sabi ko sa sarili ko dahil sa kahihiyang ginawa ko sa sarili ko.
Oo alam ko, mahilig ako magvideo ng sarili. May sarili nga akong channel sa YouTube eh, pero hindi naman ganun ginagawa ko. Kung may challenge man akong gagawin kasama ko mga kaibigan ko. Kasama ko sila sa kahihiyang gagawin ko. Pero this time, ako lang mag-isa.
Maya-maya ay biglang tumunog ang cellphone ko habang naiinis pa din sa sarili ko at may sumunod pa at sunod sunod na ang tunog nito.
Pagtingin ko sa screen ng cellphone ko ay puro ito notification mula sa NIRveinA.
Binuksan ko ito at nakita ang video ko na nakaupload. Madaming hearts at comments na ito. Binasa ko ang ilan sa mga comments at may iilan na tinawanan ang ginawa ko at sinasabing sisikat ako instantly, may iba naman na shinare din yung mga unang dare na ginawa nila. At may mga iba din na puro hates ang sinasabi.
Habang nagbabasa ay biglang may nagpop-out sa screen ng cellphone ko...
"Congratulations. You earn $50 on your first video. Keep on making video and earn more hearts to have more money to your account."
"$50? Isang video palang? Wow! Dahil din siguro ito sa hearts sa video na naka-upload. Haha. Plus yung comments na magaganda at mga hates syempre. Thank you bashers." sabi ko sa sarili ko at naeexcite pa ko sa susunod na dare na gagawin ko para makaearn ng pera.
Lumabas na ako ng kwarto at sabay sabay kaming kumain nila Claire ng dinner.
----
Lumipas ang one week at madami dami na ding dares ang nagawa ko. Nagiging active ako sa NIRveinA dahil nakakatuwa na madaming natutuwa sa mga videos na ginagawa ko. Madami dami na din naipon ko sa account ko halos nakaka $500 na ako. Thank you to NIRveinA.
May mga dares na hindi ko makakalimutan. Tulad nung isang araw kailangan kong magpunta ng mall at hawakan ang butt ng mga makakasalubong kong mga babae. Hindi na mahirap sakin to dahil hilig kong gawin to sa mga classmates kong girls at lalo na sa bestfriend ko na si Claire. Trip na trip ko talaga manghawak dahil natutuwa ako sa mga reactions nila. Hindi din naman agad nakakareact ang mga nahahawakan kong girls dahil mabilis akong naglalakad palayo sa kanila. Hindi na din siguro nila ako pinapansin dahil baka iniisip nila na nababaliw na ko dahil nakasuot ako ng maskara. Haha idc kung ano pa isipin nila as long as nakakaipon ako.
Nung nakaraan naman ang dare is kailangan kong pumasok sa male comfort room sa school at videohan ang nasa isang cubicle, at sa hindi inaasang pagkakataon ay dalawang tao ang nasa loob at gumagawa ng milagro. Hindi ko alam kung nakita nilang may nagvivideo sa kanila dahil 10 seconds lang ang kailangan kong ivideo dun at ok na. Dahil dun kaya mas lalong dumami ang mga followers ko at mga hearts sa mga videong ginagawa ko.
BINABASA MO ANG
NIRveinA
Science FictionNIRveinA it is a social media where you can enjoy making videos while earning a lot of money in small time. Yeah it's more like Youtube but in NIRveinA you shouldn't let other PLAYER or VIEWER see your face and know your real name. Download the NI...