CHAPTER 4

2 2 0
                                    

Chapter 4: He is a player?

*Naiah POV*

Huli na nang marealized ko kung anong ginawa ng lalaki sakin na yun. Nakaalis na sya at naiwan akong nakaupo sa upuan na kanina naming upuan.

Umalis sya ng di ko namamalayan, at ginawa nya sakin yun ng walang paalam.

"Magnanakaw na yun! Shit! Paano na toh, nawala na yung first kiss ko!" reklamo ko sa sarili ko habang hawak hawak yung labi ko.

Pero sumagi bigla sa isip ko yung suot ng lalaki na nakamaskara din sya tulad ko. Player sya. Player din sya ng NIRveinA.

"Di kaya dare din sa kanya yun kaya nya nagawa sakin yun?" tanong ko ulit sa sarili.

"Pero grabe naman yung dare na yun. Tsk. At ang malas ko ako pa yung nabiktima nya." sagot ko sa sarili kong tanong.

"Miss saan po kayo?" tanong ng kundoktor sakin.

"Nagulat naman ako sa inyo kuya. Dyan lang po ako sa mall." sagot ko kay kuya at nagbayad na ako.

Dun nalang ako nagpababa dahil wala naman din akong gagawin kung uuwi na ako at ang paalam ko din sa kanila Claire ay may group projects kami baka magtaka sila kapag umuwi ako ng maaga.

Nakarating na ako ng mall at naglibot libot.

"Hayy sana wala munang dare sakin ngayon." banggit ko habang naglalakad.

Huminto ako sa isang fast food dahil nagugutom na din ako. Umorder ako at kumain mag-isa.

Habang kumakain ako tumunog ako cellphone ko. Pagtingin ko, may notification mula sa NIRveinA. Ang sabi pwede ko na makuha yung perang naipon ko sa account ko. Tinignan ko kung nakakamagkano na ko at umabot na ito sa $2,689? Like wtf, nakakailang video palang ako pero bakit ganito na kalaki agad yung nasa account? Imagine, $2,689 times 52PHP. Almost 100,000 na agad.

Nagulat naman ako sa result sa account ko kaya tinignan ko ang aking profile at ang most watch ngayon sa aking videos ay yung kaninang nangyari. Nasa 2.5M views at 2M ang hearts at hindi lang yun dahil nasa #2 trending sya sa NIRveinA.

Nireview ko yung video ko kung bakit ganun kabilis magtrending neto sa NIRveinA.

Natulala ako sa screen ng cellphone ko ng matapos ko ang video ko dahil hindi ko inaakala na pati pala yung pagkiss sakin ng lalaki na yun is nasama sa video. Omg.

"What the f*ck!?" mura ko sa isip ko.

Wala na kong nagawa, dahil hindi ko naman na to pwedeng burahin dahil walang ganun dito. Once na nakapagfilm ka na automatic na itong naga-upload at wala kang control dun.

Matapos kong kumain ay dumiretso ako sa atm para macheck ang laman ng credit card ko. Sa pagkakaalam ko is direktang pumapasok dito yung mga perang naiipon sa account at dahil wala naman akong magawa iwiwithdraw ko yung ilan sa naipon ko para pambili ng pagkain sa apartment at mga ibang kailangan ko at syempre yung pangako ko kela Dhale, bibilhan ko sila ng pasalubong para hindi na nila ako bungangaan mamaya pag-uwi ko.

After ko magwithdraw nagpunta agad ako sa grocery store dahil nga bibili ako ng pagkain para saming apat at ng kung ano ano pa. After that, nag-ikot ikot nalang ako sa buong mall. Pumapasok ako minsan at kapag may nagustuhan ay binibili ko agad. I feel like I can buy whatever I want not like before na hindi naman ako nakakapagshopping at limited lang yung mga dapat kong bilhin. Special thanks to NIRveinA, you gave me the chance to have everything I need and what I want.

Habang nag-iikot ay napahinto ako sa isang store dahil may nakita akong isang familiar na lalaki. Nakamaskara sya, as usual na ginagawa namin habang ginagawa yung dare is nagvivideo sya at nasa bandang dulo sya ng store kung saan wala yung saleslady. Pinagmasdan ko lang kung ano yung ginagawa nya.

NIRveinATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon