Simula''Ate! Paki-tignan naman kung okay na 'tong make-up ko!'' - rinig kong sigaw ng kapatid ko mula sa kabilang kwarto.
''Teka lang, sis! Pina-plantsa ko pa yung buhok ni mommy!'' - sigaw ko naman pabalik mula sa kwarto ni mommy kung saan ko siya inaayusan.
''Parang hindi kasi pantay yung kilay ko pero parang okay naman?!'' - sigaw muli ng kapatid kong akala mo naman ga-graduate na siya ng college sa sobrang paghahanda para sa moving up niya.
''Alicia, pumunta ka na nga lang dito nang hindi kayo nagsisigawan ng ate mo. Ang sakit sa tenga!'' - napasigaw narin si mommy dahil malapit nga naman ako sa tenga niya kaya naiirita ito kapag sumasagot ako kay Alicia.
Wala pang isang minuto ay tumambad sa harap ng pintuan ng kwarto ni mommy ang ayos na ayos kong kapatid. Hindi ko nga alam kung moving up ba talaga ang event ngayon... para kasing JS Prom.
''Anak, masyado mo naman atang pinaghandaan. Baka naman matalo mo pa ang mga teachers mo ro'n.'' - natatawa pero may halong pagkamanghang komento ni mommy. Maganda naman kasi talaga ang kapatid ko lalo na kapag na-a-ayusan.
''Syempre, mommy, magsasalita ako on stage kaya dapat magandang maganda ako. Bakit, pangit ba ng make-up ko? Ano, ate, okay lang ba? Pantay ba yung kilay ko?'' depensa ni Alicia kay mommy pagkatapos ay bumaling sa akin para hingin ang aking komento.
''Maganda ka naman na talaga, mas maganda ka lang ngayon. Pero gawin mong light lang yung eyeshadow. Hello, Alicia? 1 pm pa lang pero yung eyeshadow mo, pang 9 pm na'' - panunukso ko naman kay Alicia pagkatapos ko siyang puriin.
''Noted, Ate'' - sagot ng kapatid ko sabay balik sa kanyang kwarto.
Maya maya pa ay may narinig kaming pagbukas ng gate mula sa baba.
Ilang saglit lang ay narinig ko naman ang mga yapak ni Tito Primo paakyat ng hagdanan.
''Ano yung naririnig kong sigawan kanina? Nag-aaway ba kayo?'' bungad ni Tito Primo sa aming dalawa ni mommy, na may hairstyling session parin, habang naka-pa-meywang sa harap ng pintuan ng kwarto.
''Ah hindi, Primo. Si Alicia kasi, hindi mapakali sa make-up niya. Sino pala yung dumating? Gate ba natin yung narinig ko o gate ng kapit-bahay?'' sagot naman ni mommy na tinitignan na ang finish product ng kanyang buhok, na pinlantsa ko lang naman, sa repleksyon ng salamin.
''Mommy, ang OA mo naman. Ganun ba kalakas magbukas ng gate yung kapit-bahay natin para marinig mo hanggang dito sa 2nd floor??'' pagsingit ko naman sa usapan nila ni tito habang tinitignan ko rin ang repleksyon niya sa salamin. Parang hindi tumatanda ang mommy ko, ang ganda ganda pa rin. Bagay na bagay ang kanyang mahaba at itim na buhok sa hugis bigas niyang mukha. Kung titignan mo si mommy, hindi mo aakalaing 40 years old na siya dahil napaka-bata ng itsura nito. Gustong gusto ko kay mommy yung mapungay niyang mata.. buti nalang iyon ang namana ko. Matangos at maliit ang kanyang ilong at manipis naman ang kanyang labi. Sa pagtitig ko kay mommy, napagtanto kong tama nga ang sinasabi ng marami, kamukhang kamukha ko siya. Madalas nga kaming mapag-kamalang magkapatid lang ng ibang mga kaibigan at ka-trabaho ni mommy, na hindi niya masyadong close, nang minsan ay dinalaw ko siya sa office niya.
''Sina MJ na po ba yung nasa baba, Tito?'' baling ko naman kay Tito Primo matapos ko pag-pantasyahan si mommy.
Hindi pa nakakasagot si tito ay narinig ko na ang papalakas na boses ni MJ galing sa baba. Naririnig ko na rin ang kanyang mga yapak paakyat ng hagdanan.
''ALINA, I'M HERE!!!'' - maligalig na bungad ni MJ sa aming tatlo nina Tito Primo at mommy na ngayo'y abala sa pag-aayos ng mga gamit. May kasamang halik ang pagyakap sa akin ni MJ bilang pagbati niya.

YOU ARE READING
Finally Found You
Teen FictionSa bilyon-bilyong tao sa mundo, paano mo nga ba mahahanap ang taong para sa'yo?