Kabanata 3

19 1 0
                                        

Kabanata 3

Friend Request

''Sa tingin mo, bakit niya nagawa?'' nahihilo ako dahil sa tama ng alak kaya nakapikit lang ako.

Dumagdag pa sa pagkaka-hilo ko ang pag-andar ng kotseng sinasakyan ko ngayon kaya hindi ko na magawang idilat ang mata ko. Kasama ko ang isang lalaking pinakilala sa'min ni Jake sa pinanggalingan naming bar kani-kanina lang. Naparami ako ng inom kaya hindi ko na matandaan yung mga nangyari. Pati nga pangngalan niya ay nakalimutan ko. Basta ang alam ko, mabait naman 'tong kasama ko dahil hindi naman siguro ako ipagkakatiwalang ipa-hatid ng mga kaibigan ko sa kanya kung hindi, diba?

Wala namang sumagot sa'kin.

''Huy! Sa tingin mo bakit niya 'ko pinagpalit ng ganun-ganun lang? Dahil ba sa hindi maganda boses ko? Dahil ba sa antukin ako kaya hindi ako makasama sa kanya kapag may night out sila ng mga kaibigan niya? Yun lang naman kasi yung natatandaan kong parang naging problema eh. Kasi ang pagkaka-alam ko, ginawa ko naman lahat ng kaya ko. Lahat ng pag-iintindi. Lahat ng pagpapakumbaba. Nag-adjust naman ako. Pero bakit kaya no? Ah baka kasi pangit ako. Oh baka ayaw niya sa maikli yung buhok tapos may bangs. Kasi mahaba yung buhok nung Shanika eh tapos ang sexy pa.'' Nanginginig na yung boses ko dahil nagbabadya na ang mga luha pero pilit ko itong nilalabanan para kunwari matapang.

''Hindi ka magiging sapat sa taong iba ang hanap.'' Ito naman ang naging sagot ng lalaking kasama ko ngayon. Gusto ko sana siyang tanungin kung ano ulit yung pangngalan niya pero parang nakakahiya namang gawin 'yon ngayong nandito na 'ko sa sasakyan niya at naghihintay nalang na mai-uwi ako sa bahay.

''So, hindi talaga ako sapat ganon? Pero bakit niya 'ko nagustuhan in the first place diba? Baka naman kasi kasalanan ko rin. Kasi nga hindi ko siya minsan napagbibigyan sa mga gusto niya? Baka kasi nagkulang ako?'' nakapikit pa rin ako habang nagsasalita kasi parang nasusuka na 'ko sa hilo.

''Hindi mo kasalanan kung hindi siya nakuntento.'' Ang lalim naman ng boses nito. Ang pagkaka-alam ko, halos isang taon lang ang tanda niya sa'kin pero sa tono ng pananalita niya, parang si Tito Primo ang kausap ko.

Biro lang. Pero ang manly talaga ng boses niya.

''Sabagay. Mabuti pa kayo ng girlfriend mo, mukhang masaya at mukha namang kuntento ka sa kanya. 'Wag kang tutulad do'n sa ex ko ha!'' natatawa ko pang sabi habang naka-pikit pa rin. Naalala kong may kasama silang babae kanina ng mga kaibigan niya at sa kanya malapit ito kaya naisip kong girlfriend niya 'yon.

''Hindi lahat ng lalaki, pare-pareho.''

''Oo naman! Magkaka-iba naman kayo ng paraan kung paano niyo kami sasaktan diba?'' sarkastiko kong pagkakasabi. Sa pagkakataong ito, idinilat ko ang mata ko para tignan siya at bigyan ng mapang-asar na ngiti. Nakita ko namang napalingon din siya sa'kin dahil na rin siguro sa sinabi ko. Nasinagan ng ilaw na nanggagaling sa mga nakakasalubong naming sasakyan ang mukha niya kaya naaninag ko ang itsura niya. Ilang segundo lang niya 'kong tinignan dahil ibinalik din niya kaagad ang tingin sa daan.

Mapungay ang mga mata, matangos ang ilong at katamtamang kapal ng labi, hindi rin siya masyadong ma-panga tulad ng inaasahan ko base sa laki ng boses niya dahil may pagka-oval-shaped ang kanyang mukha. Naka-brush up din ang buhok niya kaya ang linis linis niyang tignan. Ang kinis pa ng mukha. Ano kayang skincare nito?

Sa kabuuan naman, masasabi kong magandang lalaki ang kasama ko ngayon.

Hindi naman naging maganda ang epekto ng biglaan kong pagdilat at pagtingin sa kanya dahil lalo lang akong nahilo. Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya dahil pinili ko nalang itulog ang nararamdamang pagka-hilo.























Finally Found YouWhere stories live. Discover now