Kabanata 1
Samgyup
Flashback....
''Oh ayan na lang, si Alina'' boses agad ni Milet ang narinig ko pagpasok na pagpasok ko sa classroom namin.
Nakita ko ang kumpulan ng mga kaibigan ko sa harapan na ngayo'y nakatingin sa akin. Mukhang ang magaganap na debate mamaya ang pinag-uusapan nila. Dumiretso agad ako sa direksyon nila at umupo sa bakanteng upuan.
Kasama ko ngayon sina Jake, Milet, Samantha, Alex, Precious, at Lorma. Sila yung mga bagong kaibigan ko ngayong college. Third week na namin ito bilang college student mula nung mag-umpisa ang pasukan. BSBA ang kursong kinukuha namin.
Nag-enrol ako sa isang university kung saan wala ako masyadong kilala. Gusto ko rin kasi ng panibagong simula ngayong college na 'ko. Sa previous school ko kasi, I had a lot of responsibilities. Ang alma mater ko ang nagpalabas ng mga talents and skills na meron ako kaya naman naging sobrang active ako. Madalas muse o di kaya nama'y president ang nagiging posisyon ko sa class officers. Pero nung nag-4th year highschool ako, tumakbo ako bilang president ng student council. Nanalo ako at nagtuloy-tuloy ito hanggang senior highschool. Hindi rin naging madali ito para sa akin kasi kinailangan ko talagang mas ayusin ang performance ko sa school dahil ako ang tinitignan ng mga nakababata sa akin, isa na rin dyan ang kapatid ko. Mataas ang expectations niya sa akin at isa nga raw ako sa inspirasyon niya sa pag-aaral. Natuwa naman ako nang marinig ko 'yon galing sa kanya.
Ngayong college na'ko, mas ginusto kong magpaka-''lowkey'' nalang muna. Gusto ko na rin kasing matapos yung librong matagal ko nang sinusulat. Natigil kasi ako sa pagsusulat lalo na nung dumami ang school works at mga activities na sinalihan ko.
''Ako na lang ang ano?'' pagkukunwari ko namang sagot sa kanila kahit na alam kong tungkol sa debate ang pinag-uusapan.
''Ikaw nalang ang maging leader para sa debate mamaya.'' si Samantha ang sumagot para sa grupo.
''Bakit hindi si Alex? Siya naman ang pinaka-maingay sa'tin.'' Pagtuturo ko naman kay Alex na abala sa cellphone niya.
''Eh ayoko! Tinatamad nga ko pasukan yung subject na 'yon mamaya.'' Pagtanggi naman ni Alex nang hindi tumitingin sa'min at nakatutok parin sa kanyang cellphone.
''Ikaw, Precious?'' baling ko naman kay Precious na abala rin sa kanyang cellphone. Ngumingiti-ngiti pa habang nagta-type.
''I miss you too.'' Sagot naman ni Precious na ikinagulat namin.
''HA?????'' sabay sabay naming reaksyon kay Precious na ngayon ay natauhan na sa kanyang sinabi.
''Ay sorry. I mean... a-ano kasi... ano b-ba yung sabi niyo?'' natatarantang pagpapaliwanag ni Precious at biglang inilapag ang kanyang cellphone sa desk.
''I miss you too ka pa ha!!! Hahahah!'' pang-aasar naman ni Alex na tawang-tawa kay Precious.
''Sino ba kasi 'yang ka-text mo? Wala ka naman samin sinabing may jowa ka ah?'' dagdag naman ni Milet
''Baka magiging jowa pa lang...'' si jake ang sumagot, ang boyfriend ni Milet at nag-iisang lalaki sa grupo. Abala ito sa kaniyang cellphone dahil sa paglalaro ng Mobile Legends pero nagagawa pa ring makisali sa asaran.
''Magiging jowa mo pa lang, nag-i-i miss you too ka na???'' nagulat naman kami sa boses na nanggaling mula sa likuran.
Kararating lang ni Ella, kaibigan din namin na kung hindi late, missing in action naman kapag lumalabas ang tropa. Iba talaga ang nagagawa kapag may lovelife ka.

YOU ARE READING
Finally Found You
Teen FictionSa bilyon-bilyong tao sa mundo, paano mo nga ba mahahanap ang taong para sa'yo?