Kabanata 2
Text
Ang bilis talaga ng takbo ng oras lalo na kapag masaya ka.
Magda-dalawang buwan na rin pala simula nung unang lumabas kami ni Patrick. Pagkatapos ng aming first ''samgyup'' night, hindi ko inasahang masusundan pa ito. Napadalas ang paglabas naming dalawa. Minsan naman ay kasama ang mga kaibigan ko at kaibigan niya. Sa loob ng halos dalawang buwan, naging mas malapit kaming dalawa dahil sa parehas naming pagiging makulit. Hindi kami nahirapang kilalanin ang isa't isa dala na rin ng lakas ng sense of humor nito na sinasabayan ko din naman. Magaan at masayang kasama si Patrick kaya naman komportable na ako sa kanya. Para na nga kaming mag-bestfriend kasi may mga secrets na kaming na-i'share sa isa't isa. Mapapansin mo rin ang pagiging sweet at caring namin. Clingy na nga ako, mas clingy pa siya. Kaya naman kami ang madalas na laman ng tuksohan ng tropa. Bagay na bagay daw kasi kami dahil ang saya saya naming tignan kapag magkasama.
Nakilala na rin siya nila mommy nang magkaroon kami ng group work na ginawa namin sa bahay. Kasama rin naman ang mga kaibigan ko kaya wala namang naging malisya kay mommy.
''Oh walang mafa-fall ha? Kapag kaibigan, kaibigan lang.'' ito ang madalas kong pang-aasar sa kanya kapag napapansin naming sweet na kami sa isa't isa. Tatawanan lang naman ako nito pero minsan sinasagot niya 'ko ng ''Yuckk''. Ang kapal talaga.
Pero sa paglipas ng araw, napagtanto kong kinain ko rin ang sinabi ko dahil sa totoo lang, ako talaga 'tong nahulog na sa kanya. Masaya kasi ako kapag siya ang kasama. Walang araw na hindi niya ako pinapatawa kahit pa sa text o chat lang kami nagkakausap kapag walang pasok at tinatamad naman akong lumabas para makipag-kita. Napaka-caring niya rin, well, hindi lang naman sa akin pero nature na ata niya ang maging ganong kaibigan, ako lang talaga 'tong marupok kaya siguro nahulog ako sa kanya.
Hindi ko tuloy sigurado kung may meaning ba yung pagiging caring niya sa'kin. Hindi ako sigurado kung may meaning ba yung paminsan-minsang paghatid niya sa akin sa bahay lalo na kapag late na natatapos ang klase namin. May sasakyan naman ako pero nagpupumilit pa rin siyang ihatid ako at pinapakuha nalang sa driver niya yung kotse niya. Hindi ako sigurado kung may meaning ba yung dumadalas na pagsama niya sa amin ng mga kaibigan ko kapag kumakain kami. Baka nga nagtatampo na yung mga kaibigan niya sa kanya kasi laging ako/kami ang kasama. Hindi ko alam kung seryoso ba yung mga biglaang pagtatampo niya kesyo raw 'nagseselos' daw siya lalo na nung kinilig ako sa gwapong substitute prof namin nung isang araw. May mga pagkakataon din na magugulat ako, may dala-dala na siyang pagkain para sa'kin kahit na wala naman akong sinasabi na dalhan ako.
Hindi naman ako manhid para isipin na wala talagang ibig sabihin lahat ng ginagawa sa'kin ni Patrick. Wala pa akong nagiging boyfriend pero alam ko naman ang mga ganitong galawan. Pero iba rin kasi si Patrick. Minsan, nakikita ko na ganun din ang treatment na ginagawa niya kay Claire, ang nag-iisang babae sa tropa nila. Pero ang kaibahan nga lang, may boyfriend si Claire.
Natigil lang ang pag-ooverthink ko nang tuluyan na nga siyang umamin ng nararamdaman niya para sa'kin. Sinagot niya ito ng diretso at may sinseridad nang tanungin siya ni Milet tungkol dito habang kami ay nasa paborito naming tambayan.

YOU ARE READING
Finally Found You
Teen FictionSa bilyon-bilyong tao sa mundo, paano mo nga ba mahahanap ang taong para sa'yo?