PROLOGUE

7 1 0
                                    


Two years have passed but still I can't move one. It's hard to accept that the only person who loved you and cared for you is gone now,resting in the other dimension called heaven.

"Maria Juanna S. Bonifacio" pagbasa ko sa pangalan ng lola ko. She passed away because of heart attack at hanggang ngayon hindi parin ako sanay na hindi nararamdaman ang presensiya niya.

"Lola sana mapatawad mo ko na ngayon ko lang magagawa ang pangako ko sayo"

Every person write their last will if they know they are dying. And my Lola's last will for me is to find the book , she wrote for her beloved.

Hindi lang yun ang will niya para sakin pero eto ang huli sa kanyang will at huli ko na rin magagawa.

" La uuwi na po ako kailangan ko pa kasing pumunta kay attorney"

An hour later Im here to in front of the door of attorney's house.

"Oh dalawang taon ko rin hinintay ang pagpunta mo" sabi niya sakin habang pinagmamasdan ang kabuuang anyo ko

Matanda na ang itsura niya kumpara noong nagkita kami.He look stressed.

"Pasensiya na po kung ngayon lang ako nakapunta kailangan ko po kasing tapusin ang pag aaral ko"

"Sabagay" sagot niya habang tumatango

"Tara pasok ka"

Maganda ang bahay niya. Medival designed it is. Marami ding vases sa paligid mukhang hilig nila ang mangolekta ng mamahaling vases

"Hintayin mo ko rito kukunin ko lang ang papeles at papakuha na rin kita ng makakain"

"Salamat po"

Tinignan ko kung saan niya ko pinapaupo at umupo roon.Sobrang tahimik wala ba siyang asawa o mga anak parang siya lang ang nakatira dito

Pinagmasdan ko ang buong sala ng makita ko ang mga pictures sa gilid ng hagdan.

The pictures are his family. May tatlo siyang anak at lahat yon ay lalaki while his wife is a goddess. She really is a beauty. While the guys are good looking too I must say.

"Nainip ka ba iha?"

Nagulat ako sa pagsasalita ni attorney nasa likod ko na pala siya

"Ah nacurious lang po"  pagbaling ko sakanya ay nakita ko ang lungkot sa kanyang mukha habang pinagmamasdan ang mga litrato.

"Malalaki na ang mga yan kaya hindi na nakakauwi dito may kanya kanyang condo, ang asawa ko naman ay matagal nang pumanaw"

"I'm sorry to hear that po" I know how sad to be away to the person you love. I felt what's his feeling right now.

"Ano ka ba iha matagal na yon, tara na nga para magawa mo na ang pinapagawa ng lola mo sayo"

"Sige po"

Sumunod ako sa kanya papunta sa inupuan ko kanina.Mayroon nang nakakabit na juice sa lamesa.Sino ang naglagay non wala naman akong nakitang kasambahay

Narinig ko ang mahinang pagtawa ng matanda mukha yatang napansin niya ang pagtingin ko sa inumin na parang naguguluhan.

"Pinakabit ko yan sa kasambahay kanina, hindi mo sila nakikita dahil oras ng pahinga nila ngayon" Sagot niya sakin habang nakangiti

"Ahh ganon po ba "

Kinuha niya ang mga papel at tinignan kung alin ang para sakin doon

"Eto iha" Pag abot niya sakin ng mga papel na waring may sobrang halagang nakasulat doon

"Base jan gusto ng lola mo na hanapin mo ang nawawala niyang libro o diary "

Sabi ni attorney habang may pagaalala sa kanyang mukha.

Ano po ba ang librong yon? Pagtatanong ko sa kanya .

"Sa tingin ko iyon ang diary ng lola mo na ginawang libro ng kanyang kaibigan para kung masira man ang diary ay may isa pang kopya"

Mas lalo akong nalito sa sinabi ni attorney. Bakit kailangan magkaron ng kopya.Gano ba kahalaga yon.Hindi kasi hilig ni lola ang ganon , dahil nung nasira ang diary ko nung bata pa ako ang sabi niya gumawa na lang ako ng bago.

Ganon din ang pinapagawa niya sakin pag may nasira ako at ganon din siya kaya nakakapagtaka lang na pumayag siya dahil kung nasira man yung diary itatabi niya lang yon at isasama niya sa kanya.Ano bang nakasulat sa diary na yon

"Ano po ba ang itsura ng libro at pano ko po mahahanap"

Kung gusto ko talaga mahanap yon kailangan may alam ako kung ano ang hahanapin ko at saan Ano kayang gagawin ko ron pag nahanap ko na

"Ang libro ay kulay maroon at ang title non ay may spanish word na maganda at ang kaibigan ng lola mo ay matagal ng pumanaw kaya wala ka ring makukuhang impormasyon sa kanya pero ibibigay ko sayo ang address niya baka makatulong ang mga apo niya"

"Salamat po"

Lola sana mahanap ko ang libro mo gusto ko ring malaman kung ano ang pinagdaanan mo lola pero bakit kailangan kong hanapin yon.

"Nasabi po ba ni Lola kung bakit ko kailangan mahanap ang libro at kung nasan na po ang diary ni lola"

"Hindi ko alam iha, basahin mo na lamang ang will niya para malaman mo kung may mahahanap ka bang sagot diyan"

Kailangan ko ng kumilos para mapabilis ang paghahanap ko

"Maraming salamat po sa ngayon ay magpapaalam na po ako para makapagpahinga na at masimulan ko na ang paghahanap"

"You should be careful, no one knows kung ano ang nakasulat sa librong yon kaya magiingat ka baka isa na palang ebidensiya sa  isang krimen ang hinahanap mo"

Nagulat ako sa sobrang seryoso ng boses ng matanda.At tila ba may nalalaman siya pero may pumipigil sa kanya na sabihin yon

"Sige po una na po ako"

Pagkasabi ko non ay dali dali na akong umalis dala ang mga papel na makakatulong sakin.

Pagkasakay ko sa kotse ay tinignan ko ang unang pahina ng papel.

Apo ikaw ang tanging tao na pinagkakatiwalaan ko huwag mo kong bibiguin apo, mahal na mahal kita

Napaiyak ako sa nabasa ko hindi ko alam pero biglang bumigat ang pakiramdam ko parang mabibigo ko si Lola.Sana lola tama ang desisyon mong pagkatiwalaan ako

I will do my best Lola. I will find that book no matter what

Pinaandar ko na ang sasakyan at umalis

------------

Malapit na ko sa bahay ko ng makita ang lalaking nakatayo sa gate at tila ba hinihintay ang pagdating ko.

Napatingin siya sakin na para bang alam niya na ako ang laman ng sasakyan na ito .

Nang nakalapit ako sa kanya ay tinignan niya ang kabuuan ko.

The way he look at me made me shiver

"Sino ka at anong kailangan mo"

"Ako ang kailangan mo at hindi ikaw ang kailangan ko"

It Was UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon