Unang Kabanata:Isang matamis na ngiti ang iginawad sa akin ng isang ginoo na medyo bastosMga yabag ng paa ang naririnig ko.Habang lumalakas ang tunog ng mga yabag na ito ay tila ba malapit na siya kung nasaan ako ngayon.
Hinanda ko na ang sarili ko para sa taong iyon.Maayos na ang suot ko. Ang mga gamit ko ay nasa tamang lagayan na.
Isa.... dalawa.... tatlo.....
JUANNA LUMABAS KA RIYAN O AKO ANG KAKALADKAD SAYO PALABAS!!
Sabi ko na nga ba.Si inay talaga basta araw ng simba maaga pa lamang ay dapat na ka ayos ka na o kung hindi wala kang almusal.
Lumabas na ako ng kwarto ko ayaw ko rin namang paghintayin ng matagal sila inay.
Nakaupo sala ang kapatid kong babae habang may binabasang aklat.Nang makita niya ako agad niyang sinuri ang suot ko.
"Kanina ka pa namin hinihintay.Lagot ka nanaman kay mama sinuot mo pa yan" sabi niya habang naiiling na tinignan ang suot kong damit
"Ano naman ngayon sabi ni inay ay pwede kong suotin ang bestida ni ate" inismiran niya lamang ako sa sinabi ko
"Ewan ko sayo ate"Iniwan niya na ako sa sala at pumunta sa labas kung nasaan sila inay
Nakita ko si inay na kausap ang bago naming kapitbahay
Isang matandang babae na sa tingin ko ay ka edad lamang nila inay at itay."Magandang umaga po" pagbati ko sa kanila at umupo sa tabi ni Juanita
"Napagandang dilag pala nireng anak mo.Siguradong maraming kalalakihan ang nais siyang makabiyak"
Natawa si inay sa sinabi nito.Hindi ko naman makakaila na maganda ako.Nakuha ko kay inay ang mala porselana kong kulay samantalang ang matangos kong ilong at mapungay kong mata ay nakuha ko kay itay.
"Kanino pa ba magmamana kung hindi sa akin" pabirong sagot ni inay na ikinatawa naman ng kausap nito
Nagsalita si itay na nagpahinto sa pag uusap ng dalawa.
"Tara na't magsisimula na ang misa baka tayo'y mahuli pa"

BINABASA MO ANG
It Was Untold
RandomIt was one of a kind love story but no one knows about it till one day the characters choose to tell how they fell in love and how that love ruined a friendship