Kiarra's P.O.V
"Home sweet home" I uttered under my breath ng tuluyan ko ng mabuksan ang main door ng bahay.
Its been 1 week simula ng makabalik kami ng Pilipinas mula France. It's been 1 week since I married into house Armendarez, since I became a wife to their sole heiress, Veronica.
Mr. Armendarez gave me a week to settle everything in my life, bago kami tuluyang magsama ni Veronica sa iisang bubong. Bago ako magsimulang mag-training sa kanilang kumpanya. At bago ako muling bumalik sa mundong ginagalawan nila. Kaya naman ginugol ko ang buong linggong ito para asikasuhin ang lahat. Mula sa pamamahala ng garage at bar namin ni Mark, pati na rin ang pag-iimpake ng ilan sa aking mga kagamitan mula sa aming apartment, hanggang sa pag-aasikaso ko ng mga dokumentong kailangan para sa pagt-transfer ko sa Tristain Academy. Ito na sana ang huling taon ko sa kolehiyo, kaya naman pahirapan ang pagt-transfer na gagawin ko at hindi ako sigurado kung makaka-pagtapos ba ako sa tamang oras o kinakailangan ko pang maiwan ng isa pang sem dahil mukhang hindi tugma ang curriculum ng public university na pinanggalingan ko sa prestihiyosong paaralan ng Tristain. Ang dami ko ng problemang kinakaharap ay dumagdag pa ang isang to. Bakit hindi na lang kaya ako hayaang makapagtapos ng mapayapa ni Mr. Armendarez? Hindi pa ba sapat ang paghihirap na kakaharapin ko kapag ipinaalam na nya sa buong Royale Society ang pagpili nya sa akin bilang asawa ng kanyang nagiisang anak?
Mabuti na nga lang ay hindi ako nito pinilit na maglagi sa kanilang mansyon habang inaasikaso ko ang lahat ng ito. At nagkaroon ako ng oras upang ihanda ang aking sarili mula sa buhay na aking kakaharapin kasama ang kanyang anak na kakatapos lang akong itulak papasok ng bahay. Teka nga! Masa--
"Kanina ka pa nakatayo jan! Para kang tanga! Kung ayaw mong pumasok, wag kang paharang harang dahil ngalay na ngalay na ako!" inis na inis na giit nito at dire-diretso ng pumanhik sa pangalawang palapag ng bahay.
"Nye nye nye, iyakin!" inis kong bulong sa aking sarili habang hinihimas ang braso kong itinulak nya. Langhiyang babaeng yon! Di ba sya marunong mag-excuse!?
Kahit na naiinis ay isinawalang bahala ko na lang ito, at inilibot na ang aking paningin sa kabuuan ng bahay. Fully furnished na ito, a mixture of color white and wood ang theme ng interior design. Napaka homey at relaxing ng vibe. May malawak na living room, dining area that is good for 6 people at kitchen countertop with 2 stool in front. Kumpleto rin ito ng appliances.
May common bathroom rin rito sa baba, at home gym. Sa dining area naman ay may daan patungo sa lanay. May outdoor couch and coffee table rin dito, at tanaw mo ang di gaanong kalakihang garden. Perfect place para sa munting salo-salo o party.
Nang malibot ko na ang baba ay dumiretso na ako sa taas, may living area rin dito with lazy boy couches at napakalaking flat screen TV. May mini bar din sa sulok nito. Puno ng iba't ibang alcoholic drinks ang rack sa likod nito, may chiller din for wines. Ito na ata ang paborito kong corner ng buong bahay.
Mula sa aking kinakatayuan ay tanaw ko ang tatlong magkakatabing pinto. Hays mabuti na lang at hindi namin kinakailangang magtabi sa iisang silid ng masungit na yon!
Inuna kong buksan ang gitnang pinto ngunit naka-lock na ito. Ito na ba ang napiling silid ni Veronica? I just shrugged my shoulders at lumipat sa kanan na pinto. Pagbukas ko nito ay agad na napakunot na ang aking noo, isa itong home office, at may mga gamit na ito. Kay Veronica ba ito?
Naiiling na isinara ko ang pinto at nagtungo sa huling silid, sana naman ay ito na ang room para sa akin. Napamaang na lang ang aking bibig ng makitang home office rin ito. At mas maliit kumpara sa nauna. Isang desk at swivel chair lang ang nandito, bukod roon ay wala na. Wala pang gamit ang mga shelves, at sobrang bare pa ng buong silid. I sighed. Mukhang iisang silid nga lang talaga ang meron sa bahay na ito. KUNG ALAM KO LANG AY INUNAHAN KO NA ANG VERONICA NA YON SA PAG-AKYAT!
BINABASA MO ANG
Married To Veronica Armendarez
RomanceWherein Veronica, the only daughter of House Armendarez is forced to marry Kiarra, the bastard of House Saavedra. PS. Wag muna basahin bc p aq