"Uy, bakit mo nga pala hinabol si Sir Jake?" Tanong sa akin ni Kesley habang iniintay namin yung PE professor namin.
"Ahh, aso niya kasi ako eh."
"Gaga! Bakit nga?"
"Wala. Nag-sorry lang ako." Tumango lang siya.
"Ay oo nga pala! May nakilala kong mga bago nating kaibigan! bago natin iaadd sa FB! :D" Humarap siya sa likod. Nakaupo kami sa bleachers. Kinawayan niya yung 7 babae sa likod. Napakafriendly naman nitong bestfriend ko oh! 7 agad yung nakilala. Proud of you baby! "Sweetie," tawagan namin niyan, " siya pala si Diane, Marie, Angelica, Rizza, Rose, Aila, at Nica."
"Hi!" Bati ko sa kanila. Nag-hello naman sila sa akin.
"Dito na kayo umupo oh!" Alok ni Kesley. Sumunod naman sila.
"Oh, saan tayo kakain pagkatapos nito?" Tanong ni Diane.
"Mcdo!" Sigaw nila.
"Sge sge."
"Ang pagkain ng bayan" -Marie. Nagtawanan yung iba sa amin.
Dumating na yung prof namin. Wala naman kaming ginawa kundi umupo at hintayin siyang matapos. Nagpadismiss siya ng maaga.
"Tara naaa! Tomguts na ko." -Diane. Itong si Diane na to, obvious na may pagkahilig sa pagkain. Chubby kasi siya pero bagay naman sa kanya. Sabay-sabay kaming lumabas ng gym. May lumapit naman sa akin...si Rose.
"Uy, bakit mo nga pala sinundan si sir Jake?" Tanong niya.
"Ahh, yun ba? Hmm, nag-sorry ako sa kanya." Nakatingin ako sa dinadaanan ko.
"Ahh, kala ko naman kung ano." Kung ano? Hmm, I don't like to judge agad ha? Pero...hindi kaya crush niya si sir Jake? Naglalakad kami palabas ng school. Habang sila, busing busy magchikahan, ako nag-iisip.
*blag*
"Ouch!" Napatingin sa akin yung mga tao. Okay, medyo nakakahiya kasi andaming nakatingin tapos, napaupo ako sa sahig.
"Miss...okay ka lang?"
Tumayo ako at pinagpag ko yung sarili ko," Hindi ako okay, nakita mo na ngang napaupo ako di ba?!" tumingin ako sa lalaking nakabangga sa akin.
"Sir Jake!!!!"
Jake's POV
Kanina pa tapos yung second class ko, lumabas lang ako sa school dahil may binili ako. Papunta na ko sa college bldg namin. Wala pa rin pinagbago tong university ko.
*blag*
Nakabangga ako ng babae, sa suot pa lang niya, mukhang estudyante to. Tinanong ko kung okay lang siya. mataray yung pagkasagot niya pero hindi ko na lang pinansin.
"Sir Jake!!!!" Pinulot ko yung libro.
Tumingin ako sa babaeng nakabangga ko, "oh miss Evangelista. Nagkita tayo ulit. At tinarayan mo ko ulit."
Nagblush siya, "ah eh, malamang magkikita tayo, nasa iisang school lang naman tayo. hehe. sorry." Pabiro niya.
Nagsmirk ako, "onga naman, osige. Sa susunod tignan mo yung dinadaanan mo." Naglakad na ulit ako papuntang faculty.
-Faculty Room-
"Oh, Sir Jake. Musta first at second class?" Tanong sa akin ni Sir Patrick.
"Hmm, ayos naman." Nilapag ko yung gamit ko sa upuan ko.
"May natipuhan ka na ba?" Napatingin ako sa kanya. Napangiti ako. Loko to ah.
"Haha. Wala, bawal yon." Sabi ko. Totoo naman. Bawal yun.

YOU ARE READING
Say You Love Me
RomanceSi Mary Alice Evangelista ay ang ka-isa isang babae na hindi agad na attract sa kanyang super heartthrob professor na si Jake Tuazon. Ngunit nung nakilala niya to, dun pa lang niya na-realize na si Sir Jake pala yung hinahanap niya sa isang lalaki...