Bangtan Boys Series Version 1: Drop Dead Gorgeous
*Kim TaeHyung*
written by: Soshi_Black_Pearl
Prolouge:
"Ah ang panget! walang ngipin! bungal hahaha"
iyak lang ako ng iyak habang inaasar ako ng tatlong batang lalaki.
"wala ka na ngang ngipin ang taba mo pa hahaha pangit! *bogssh!!*
"WAAA MAMA!!"
"Hopia! bakit mo siya binato?" suway ni Jin kay hopia.
"Tss. ano ka ba naman jin, huwag mong sabihing naaawa ka na sa panget na baboy na yan!"
"Bwi! kahit pa! ang usapan aasarin lang natin sya!"
Patuloy lang ako sa pag iyak at pagkuskos ng namumugto kong mga mata. araw araw na lang ganito sila. Sa bahay o kahit nasa school man parati nila akong binu-bully.
"Tss. bakit ka ba naawa sa panget na baboy na yan?" sigaw ni Bwi pabalik kay Jin.
"Oo nga. hindi kaya?..." nagsalubong ang kanilang makahulugang tingin at sabay silang dalawang tumingin sa akin matapos ay kay Jin..
"Siguro may gusto ka sa kanya ano?" mapanukso ang kanilang tingin at ngisi.
Nilingon ko si Jin, nagsalubong ang kanyang kilay at kumuyom ang kanyang mga palad.
Tss.Oo nga naman. sino ba namang magkakagusto sa isang baboy na nga, bungal pa na gaya ko.
Kahit pa na gusto ko si Jin, naiinis pa rin ako sa kanya dahil isa rin siya sa nang-aasar sa akin.
"Nagpapatawa ba kayo bwi?, sinong magkakagusto sa baboy na panget na yan."
Lalo lang akong naiyak sa narinig ko mula sa kanya, ano pa bang ine-expect ko? na may gusto din siya saken..
Nakita kong humakbang siya palayo saken at lumapit sa mga demonyo niyang kaibigan.
Patuloy pa rin ako sa pag-iyak, hindi dahil sa sakit ng pagbato saken ni Hopia, kundi dahil sa mga sinabi ng taong gusto ko.
"Weh! behlat! panget. kawawa! *boogsh*"
ngayon naman si bwi ang nagbato saken
ha.ha.ha.
Nakita kong nilingon ako ni jin na parang nag a-alala. tss.Sinungaling.
"Nyenyenyenyenye panget!" si Hopia uli ang nagbato saken.
buong lakas akong tumayo at pinunasan ang mga luha ko.
pumatong ako sa bench ng playground dito sa village namin.
"ALAM KONG PANGET AKO! HINDI NIYO NA KAILANGAN PANG IPAMUKHA SA AKIN!" Mataman ko silang tinitigan! titig na puno ng galit!
"ISINUSUMPA KO! PAGBABAYARAN NIYO ANG GINAWA NIYONG PANG AAWAY SA AKIN! DARATING ANG ARAW MAKIKITA NIYO! MAGHAHABOL DIN KAYO SAKIN!!"
"WOAA TALAGA?" pangungutyang sigaw pabalik ni Bwi saken.
"HAHAHAHAHA" nagtawanan ang mga tao sa playground.
"Naku away bata nga naman! hahaha"
"imposible yan Samantha!" umiiling iling si Bwi bago umalis at sinundan naman nung dalawa.
"ISINUSUMPA KO! MAKIKITA NIYO!!"
A/N: Medyo sablay haha sorry guys!
BINABASA MO ANG
Drop Dead Gorgeous (BTS Series) Version 1 EDITING!!!
FanfictionHello Army's! Ginawa ko ang story na ito dahil baliw ako this days sa BTS. especially kay V XD kaya inspired sa kanya ang first story na 'to :) Wala silang imaginary character na girl, dahil gusto ko isipin niyong kayo yung lead girl haha. So BANGTA...