Sana, isang salita na sati'y nagpapaasa, ang salitang sati'y nagbibigay pag-asa, di nagbibigay ng garantiya at mas lalo nang di nagbibigay ng hustisya para sa taong umaasa.
Sa pagkakataong ito, aking napagtanto na sana sinabi mo, Sana sinabi mo.
Sana sinabi mo para di ako nagpakabobo, para di ako maging apektado kung may kausap kang ibang lalaki kasi sobrang nakakagago. Oo, alam kong walang tayo pero sana naman wag ka magpapaloko.
Sana sinabi mo, para di na umasang may tayo pa sa huli, oo, sana sinabi mo, kasi alam ko sa sarili kong binigay kona ang lahat pero di parin sapat. San bako nagkulang? Sa oras? Pero binigay ko naman sayo lahat.
Sa salapi? Pero pinilit kitang makasama kahit salapi ko'y di sapat. Sa pagmamahal ba? Kasi kung iyon, mahirap bigyan ng depinisyon pero buo na ang aking desisyon na ibigay sayo ang pagmamahal na dapat makuha mo, umiyak man ako maghapon, mahampas man ako ng malalaking alon sa dalampasigan ng aking isipan, ibibigay ko sayo ang pagmamahal na dapat mong makamtan, kahit hindi mona ito masuklian.Pero, kahit nasasaktan nako, inisip kong bumitaw kasi wala akong nakitang halaga, ngunit tinigil na ang kahibangan dahil ikaw parin talaga.
Ikaw parin talaga, Oo, mapuno man ng aging ang dingding, tumanda at kumupas man ang mga kuting.
Ikaw parin talaga, gumuho man ang pundasyon ng dingding na kung saan ang pagmamahal ko unang sinalang at inihain.
Pero, bat ganon, ako natong nagkandarapa sayo, pero naghahanap ka pa ng iba?
Oo, oras na nga sana ng aking pagtigil, pagbitaw sa pangako sa sarili na kahit kelan hindi ko naisipang masupil, pero, sa dulo ng ating walang hanggan, kahit na walang tayo, basta hatid ko lamang sayo ay kaligayahan, pangako ko'y maari nang makamtan, pangako na sana mapasaya kita hanggang sa dulo ng walang hanggan, mapasaya kalang at mapakita sayo ang iyong kahalagahan. Sana, sana mapagbigyan mo ang aking kahilingan.
BINABASA MO ANG
Spoken Word Collection
General FictionA Spoken Word Collection, composed by yours truly.