Tara, luto tayo

4 1 0
                                    

Tara, luto tayo, bigyan moko ng putahe at ito'y susubukan ko, pero wag naman yung sobrang hirap dahil di pako bihasa rito. Pasensya kana kung hanggang ganito lang ang magagawa ko para sa'yo.

Ang unang putaheng ibibigay ko sayo ay Menudo, putahe na punong-puno ng rekado, putahe na sa tingin ko ay hindi maayos at sobrang gulo ngunit pag tinikman mo ay mawawala lahat ng agam agam mo, mapapalitan ng sarap at papuri para sa putaheng ito. Diba, sa simpleng Menudo paningin mo'y gulong-gulo?

Ang pangalawang putahe naman na aking ihahain ay ang Afritada, sagad sa sarap sa panlasa. Tutulungan kita, tutulungan kita upang malasap lalo ang sarap ng putaheng ito. Sa lambot ng laman nito ay hindi maitatago ang tamis na pilit nitong itinatago. Ang lihim na sarap ng Afritada na hindi mo inaasahan.

Isunod naman natin ang Sisig, ang putahe na marami ang nagkakahilig. Lasa nito ay sobrang nakahuhumaling at ng dahil rito ay ito'y napakasarap kainin. Oo, kailangan ng oras sa paghahanda ngunit kapag ito'y nagawa na ay tunay namang nakakahanga. Sisig nga pala, sisig para maipamukha sayo na dapat magsisi kung sa maling tao ka nahumaling.

Ang susunod na putahe naman ay ang Sinigang, ang putaheng malalasap mo ang asim at onting anghang. Sampalok, isang rekado na madali mahanap, sa sobrang dali ay di mona kailangan maghanap sa alapaap. Oo, ansarap ng Sinigang, yung tipong hindi mo alam na sa maling tao ka nagpakamangmang?

Heto na, ang ibibigay ko naman sayo ay Adobo, masarap to, walang halong biro. Biro, yan lang naman ako sayo eh. Isang biro, lahit ng gawin ko tila ba hindi napapansin ng mga mata mo. Kung gaano katagal ang paghahanda ng Adobo ay maihahambing ko ang paghihintay ko ng todo, ngunit tila ba sa isang tao ako sobrang nagpakabobo!

Nilaga, eto ang putaheng huling ihahain ko sayo. Minsan maaruga, siguro mahalaga. Siguro mahalaga, siguro, alam naman natin lahat na sa mundong ito walang sigurado, minsan panalo, minsan talo. Kung panalo ka, Congrats, kung ikaw man ay nabigo, wag na magpakagago kasi alam mo sa sarili mo ang kapasisad mo magmahal! Siguro mahalaga, sige, tingnan mo sa ganyan, umasa ka ng parang walang hanggan. Pero ang masaklap, hanggang kaibigan lang pala. Inisip mong may halaga ka sakanya bilang kanyang kasintahan pero wala naman talaga.

Ayan, anim na putahe na maaaring mahalintulad sa buhay ko. Menudo, putahe para malaman mo sa paningin nya ang lahat ng ito ay sobrang gulo. Afritada, para malaman mo ang lihim nya na ginawa nyang katotohanan na hindi ķa'yo para sa isa't isa. Sisig, para naman ika'y magsisi sa mga pinag-iisip mo sa maling tao kaya ngayon ika'y nasasaktan at eto, ang masaklap, hindi ka naman pala hilig. Sinigang, para itigil mo na ang iyong kahibangan at malaman mo na sa maling tao ka nagpakamangmang. Adobo, oo, sa lahat ng minahal mo sa kanya ka nagpaka-totoo, binigay mo ang iyong todo pero ano? Sa maling tao nagpakabobo! Nilaga, sa kahit sa anong pagpaapahalaga mo, pag sa maling tao mo itinuon, malalaman mo na sa kanya ay wala naman talagang halaga. Kaya tara, kumain tayo at magpakabusog sa katotohan na mahirap lunukin. Kainin mo, hanggang sa ika'y mabusog para makita mo sa sarili mo ang mga pinaggagawa mo ay ginawa mo sa maling tao, na dapat ginagawa mo sa dapat para sayo. Tara, kain tayo, nakahain na sa iyong harapan ang katotohanan, kahit ika'y masaktan pero mas mainam ito kesa naman magpakatanga ka sa taong ang turing lamang sayo ay isang kaibigan.

Spoken Word CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon