Kahit hindi na ako, kahit wala namang tayo, umaasa parin to, itong mangmang nato na hindi naman nag isip dahil inuna ko ang puso ko. Ayos lang, kahit ilang beses moko ipagtabuyan o kahit hindi man tayo magpansinan, magpakalunod man ako sa kasinungalingan pero ito ang katotohanan, kahit na masakit, hindi ko parin to ipipikit, itong mga matang nakakita ng halaga mo, ang matang hindi lang nakita ang kagandahan mo at kasama na rin kung gaano ka kabuting tao. Ang katauhang hindi ko ninanais itago, bagkus ang tipong gusto kong ipagsigawan sa mga tao. Tawagin man akong tanga pero ikaw parin talaga, kahit ilang beses akong masaktan, hindi parin maiiba ang aking isipan, na kahit hindi ako, basta ika'y masaya ay nasayo ang suporta ko. Hindi man tayo itinadhana pero alam kong ito'y planado. Kahit hindi man tayo, pipilitin kong tanggapin ito, kahit masakit ay ito'y iindahin ko, kahit wala kang plano ay masaya nako, masaya nako na masaya ka, masaya sa taong alam mong mapapaligaya ka, sa taong iintindihin ka, sasamahan ka sa pagtuklas ng kinabukasan ninyong dalawa, yung taong mamahalin mo ng lubusan at ang taong alam mong para sayo na hindi ka iiwan ng panandalian. Isang sakripisyo, sakripisyong magagawa ko na kahit masakit ay tila ba ay ito'y iyong ikasasaya, ikaliligaya at ikatutuwa. Masaktan man ako, basta masaya ka, ayos na.
BINABASA MO ANG
Spoken Word Collection
General FictionA Spoken Word Collection, composed by yours truly.