HULING KUMUSTA AT PARAYA
Kumusta ka na?
Buwan na din ang nakalipas
Nung iniwan mo akong luhaan
At tuluyang pinakawalanHanggang ngayo'y naalala ko pa ang lahat
Ang masasayang alaala na binuo nating dalawaPati na yung mga sinabi mong misan'y dumurog sa puso ko
Yung linya mong"AYOKO NA SAYO"
"SAWA NA AKO SAYO"
"HINDI NA IKAW ANG MAHAL KO"
Tila halos kahapon lang nangyari lahat ng yun
Ikaw naaalala mo pa ba yun?Balita ko.....
May mahal ka ng iba
At don pa sa pinakilala mo dati na"KAIBIGAN KO PALA "
Ano.?siya ba ang dahilan
Kaya ka naglahu nalang bigla?Ano? masaya ka ba sa kanya?
Pinapasaya ka ba nya?
Mino-monitor ka ba nya?
Seryoso ba siya sayo?
Nahigitan nya ba ako?
maharil di mo pa masasagot lahat ng yan
Sa kadahilanang bulag ka pa sa katotohanan
Kasing tapang ko ba siya?
O, nagta-tapang-tapangan lang siya?
Tulad ko ba siya na walang ginawa kundi mahalin ka ?
Tulad ko ba siya na walang ginawa kundi intindihin ka?
Kunting paalala lang ha.! Para sa
babaeng minahal mo na kahit
ako'y kinalimutan mo ng husto
Wag mo sanang mamasamain
Wag mo siyang pa-iyakin at iwan ha.!
Baka hindi nya pa kasi kayanin
Dahil ako.,.., kinaya ko
Kinaya ko lahat ng ginawa mo
Kinaya ko nung iwan mo ako
Kinaya ko nung pinalitan mo ako
Ewan ko nalang kong makakaya niyang iwan at saktan mo sya siya ng basta-basta.
YOU ARE READING
Spoken Poetry
PoetryIsang Klaseng tula na kahit Hindi man katulad ng nobela na kumpleto at detelyado pero punong-puno ito ng inspirasyon. Na Kahit kulang ay may tugma parin sa hulihan. Pero ang mas importante ay Tagos sa puso kung ito'y Uunawain. Ito ay binubuo lam...