Forbidden Love

149 0 0
                                    



Alin ba dapat ang karapat-dapat sundin?

Ang Puso, na nagsasabing ituloy mo?
O ang Utak, na nagsasabing hindi pwedi dahil bawal kayo.

Hindi mo naman ito ginusto eh,
nagkataon lang talaga, na siya yung natipuhan mo.

PAANO NGA BA NANGYARI ITO?

PAANO NGA BA MASOSOLUSYUNAN ITO?

PAANO AKO HUMANTONG SA GANITO?

PAANO KO MASISIKMURA NA MAGKAGUSTO SA KADUGO KO?.

OO, nakakadiring pakinggan pero paano ko ito maiiwasan?

Madali naman siyang iwasan,
Pero ang hirap talagang kalimutan.

Hindi lang pala bulag ang pag-ibig.
Tanga rin, dahil isa itong bawal na pag-ibig.

Hindi lang utak ang nagsasabing mali ito, Pati rin sa mata ng mga magulang ko.

Wow Incest!, sabi ng mga kaibigan ko.
Akala ko sa libro lang ito nangyayari, pero nangyari din pala saking sarili.

Nung una, hindi ko ito pinansin, Nireto ko pa nga siya sa maganda kong kaibigan.

Dahil akala ko'y nagwagwapuhan lang.

Pero bakit hanggang ngayon, siya parin ang iniisip ko? Mukhang malabo na ata ang nararamdaman ko.

Pagkakamali ang umibig sa may asawa na, pero may mas mali pa pala.
Yun ang umibig ka sa taong ipinagkait na maging sayo.
Dahil nga magkadugo kayo.

Madaming pweding ibigin, Pwedi kaibigan, kakilala o kamag-aral, Pero hindi ko aakalaing sayo ako mababaliw.... Na pinsan kita .

Iniisip ko rin minsan, na sana'y hindi na lang tayo magkadugo.

Baka pwedi pang ipaglaban itong nararamdaman ko.

Pero mas hinihiling ko na, hindi na lang sana kita nakilala, Para wala nang problema.

Mali ang nararamdaman kong ito. Pero mas mababaliw ako kapag pinigilan ko ito.

Maski nga sa libro hindi pwedi ito. Dahil sa ending si Klare at Elijah, ay hindi naman talaga magkadugo, kung babasahin mo hanggang dulo.

Si Allysa at Nathan pinagtagpo, pero hindi tinadhana. Tayo pa kaya?

Pinagtagpo lang talaga tayo, para magkakilala, at magmahalan bilang pamilya.

Spoken PoetryWhere stories live. Discover now