Let me be the one to tell you that I love you because I couldn’t say it on that first day we met
He's Pov
Pauwi na ako ng bahay at nakatanggapa ko ng isang mensahe galing sa kaibigan ko
"Pre di na tuloy mamaya walang gustong sumama init daw "
napahinga na lamang ako ng malalim ng dahil sa sinabi nila . As usual magiging taong bahay nanaman ako halos nagiging bingi na nga ako dito dahil si ate nasa school , kapatid kong bunso gumagala tapos si mama at papa nasa trabaho
"Mark ayaw mo ba talaga sumali ? kulang pa kami napaka konti ng sumali sa section natin "
naka receive ako ng message galing kay shaira nagulat ako sa sinabi niyang konti pang daw kami samantalang napaka daming nagpalista kay sir
"seryoso kayo jan ? " Reply ko na lamang sa kanila , nag isip ako ng malalim kung pupunta ba ako o hindi
"Yun na nga eh napaka daming nagpalista wala ni isang pumunta. ngayon na yung start ng turo akala kasi nila meeting pa lang " sa itsura ng text ni shaira mukang naiinis na siya dahil sa ginawa ng kaklase namin
"sige punta ako jan malalate lang ako" reply ko
Wala na din naman akong gagawin dito sa bahay kaya ginusto ko na lamang sumama sa practice . Kumain muna ako at nagpahinga saglit balak ko munang maligi para kumalma ang isipan ko
Habang naliligo ako hindi mawala sa isipan ko kung bakit ako nag kaganito. Nag iba ako sa dating mark na kilala ko. Naging cold sa lahat at naging mabisyo
Naka receive ako ng sunod sunod na chat sa cellphone ko at mukang mga kaklase ko na iyon . hindi ko na tinignan pa kung sino ang nag chat nagmadali na lamang ako sa pagkilos
aktong palabas na ako ng bahay ng makasalubong ko ang kapatid kong bunso
"Saan ka pupunta kuya ? " tanong sa akin ng kapatid ko
"Somewhere " I answer.
sa bahay cold ako sa lahat dahil hindi ako sanay makipag usap sa magulang ko sa kung anong problema ko.
Naalala ko one time umuwi akong basang basa dahil pinaliguan ako ng mga kaklase ko . Lasing na lasing ako noon siguro dahil na din sa dami ng iniisip ko sa buhay ay pinili kong magpakalasing
Gusto ko sanang magkalad na lang papunta sa lugar ng practice kaso mukang nag iinit na talaga ang ulo ni shaira kaya mas mabuti ng sumakay ako ng tricycle
"sa St joseph po sa tapat ng school sa bakanteng lote" sabi ko sa manong driver
i open my messenger and it makes me happy ng makita ko ang tadtad na message ni shaira at pati na din ang ibang kaklase ko
"Pa Vip? "
"Hey anong oras na ! "
"Change venue kami dun na sa bakanteng lote"
"Mark ano sasali ka pa ba ? "
"Dinaig mo pa talaga babae"
Hindi ko na lamang sila nireply nag focus na lamang ako tumigin sa daan medyo malapit lang naman ang venue kaya di ko kailangan kabahan.
pagkadating ko sa practice area nandon na silang lahat halatang hindi pa nagsisimula.
"What took you so long ? " Shaira ask
Napatawa na lamang ako dahil stress na stress na siya. Well na wiwirduhan din ako jan kay shaira minsan mabait, Minsan masungit , minsan napaka demonyo but she's one of the amazing classmate i've ever met
"Naligo pa ako , akala ko ba magsisimula na ? " tanong ko sa kaniya
"Magsisimula na sana kaso nag uusap pa yung dalawang choreo " sagot niya sa akin
inilibot ko ang paningin ko at naagaw ng pansin ko ang isanv babaeng sobrang simple, Nag p-practice siya ng simpleng dance move pero suave siya kung gumalaw .
Nagagandahan ako sa mahaba niyang buhok at sa ngiti niyang nakakaagaw pansin
"Hoy mark position na " Agaw atensyon sa akin ni michelle
Fuck nawala ako sa wisyo nasobrahan ako sa kakatingin sa babaeng iyon
"Bago ako saan ako pupuwesto ? " Palusot kong tanong
"Kanina ka pa sinasabihan na sa kaniya ka tatabi " sagot ni shaira , Tinuro niya ang babaeng kanina ko pa tinitignan
ito yung babaeng sa katabi naming section tuwing zumba siya yung nangunguna sa sayaw
"So this is our first step . One ! Two ! Three ! Four ! Two ! Two ! Three ! Four ! okay get's niyo ba ? " Tanong sa amin ng choreo
napanganga na lamang ako dahil sa steps na binigay niya. Ang pagsasayaw ay hindi talaga para sa akin hindi ko siya ma gets
" Ganito kasi , Ihakbang mo ang isang paa mo pataas at ang kamay mo naman ay ipababa mo , lagyan mo lang ng buwelo" Pagtuturo sa akin ng katabi ko
"Ganito ba ? " Gaya ko sa sinabi niya
"Hahahaha alam mo di ka dancer ano ? " tanong niya sa akin
agad naman akong namula sa sinabi niya dahil nagmumuka akong tanga sa ginagawa niya
"O-oo eh " nahihiyang sagot ko
"Hayaan mo tutulungan kita , Angel nga pala " Pagpapakilala niya sa akin
"Mark " pagpapakilala ko din
patuloy lamang kami sa pag papractice at patuloy niya din akong tinuturuan .
Nasisiyahan ako sa tuwing tinuturo niya sa akin lahat ng mga bagay na hindi ko alam.
YOU ARE READING
Once Upon a Time an Angel and a Devil Fell In Love (Short story)
Short StoryLove is powerful .... Ito ay isang kuwento ng isang lalaking sobra magmahal kahit na unang kita niyo pa lamang ay mamahalin ka na niya pero mayroon siyang demonyong ugali na hindi mo inaakala . How can he survive in love ?