Chapter 5

4 0 0
                                    

Being deeply loved by someone gives you strength, while loving someone deeply gives you courage.

He's Pov

Maaga kami nakauwi dahil puro iniintindi na lamang namin ay yung tungkol sa field demo namin . Inaantay ko pumatak ang oras ng alas dos dahil yun ang oras ng aming practice ng aming sayaw at mamikita ko si angel

Mahigit dalawang araw na lamang ay sayaw na namin , naging gipit kami sa oras dahil pinaplano pa ang aming moving up

"Mark!" tawag ni kuya joshua sa pintuan

"Aalis na ba tayo ?!" nag mamadaling tanong ko

Napatitig sa akin ni kuya joshua ng makita niya ang reaksyon ko dahil sa atat ako makita ang Anghel ko

"Pinagsasabi mo , itatanong ko lang kung anong ulam mo ang aga pa para magpractice" Nalilitong tanong ni kuya joshua

Napakamot ako sa batok ko sa reaksyon ko dahil sa akala ko aalis na kami yun pala hindi

"Hmmm ikaw ha may hindi ka sinasabi sa akin " pagbibirong sabi niya sa akin

"Ha? wala kaya , kumuha ka na lang jan mah ulam pa akong tira " agad na dumaretsyo siya sa kusina at kumuha ng ulam

naupo siya sa sala sa tapat ko mismo habang dala dala niya ang pagkain niya. Agad tumunog ang cellphone ko at isang notification galing sa facebook ang nareceive ko . Agad kong tinignan kung ano iyon at nagulat ako sa nakita ko

"Waaaaaaahhhhhhh ! inaccept na niya akooooo " sumisigaw na sabi ko

Nagulat si kuya joshua sa sinabi ko pero ako paring itong talon ng talon sa sobrang saya hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko para bang sobra ko siyang hinahangaan

"Alam mo para kang bakla " Naiinis na sabi niya " May pasigaw sigaw ka pa" dagdag niya

"Akala niyo lang yon" Mapang asar na sabi ko

Naganahan ako sa buhay ko dahil doon , agad ko siyang minesaage pero noong saktong mag ta-type na ako ay naging blangko ang isipan ko

"Oh nahihirapan ka ? Sabihin mo na lang Angel aattend ka ng practice ganon" pang aasar sa akin ni kuya joshua

"At paano mo nasabing si angel ang gusto ko ichat ?" mapang usisa kong tanong

"Ka chat ko din yan" napanganga ako sa sinabi niya pero agad siyang tumawa " Malamang nasilip ko" dagdag niya

"Alam mo kumain ka na lang jan ang dami mong alam eh " Naaasar na sabi ko

sinunod ko ang sinabi ni kuya joshua kahit na nahihiya ako pero nagulat ako ng makita ko typing siya. Pinilit kong magpigil ng nararamdaman pero iba ang saya ko ngayon

"Ay sus tapos kapag nasaktan iiyak , iinom, magsusuka, magpapaligo sa iba" nang aasar na sabi ni kuya joshua

"Ano ba tagal tagal na non hindi ako broken non okay" pang kaklaro ko

"Sige na punta na ako sa bahay magbibihis na ako at pupunta na tayo sa practice" madiing sabi niya

Halatang inaasar niya ako sa mga sinasabi niya pero walang epekto ngayon sakin yon dahil iba ang saya ko

"oo , ikaw ba?" Reply niya sakin

"Oo din, turuan mo ako ah" pabiro kong sabi

"Huh ? bakit ako " reply niya

"Eh ikaw katabi ko " palusot ko

"Actually nandito na ako sa venue hahahha" pag iiba niya ng usapan

"Papunta na din ako jan" reply ko

pagkatapos non ay agad ko ng sinigawan si kuya joshua na bilisan niya dahil nag aantay ang anghel ko

Once Upon a Time an Angel and a Devil Fell In Love (Short story)Where stories live. Discover now