Chapter 4

6 0 0
                                    

“I love everything there is to love about you.”

He's pov

Umuwi ako kagabi ng lasing na lasing muntikan nanaman ako mapagalitan ni mama dahil nga doon

"Mark ano ba malalate na tayo" sigaw ni kuya joshua sa labas ng pintuan

"Normal na satin yon" sigaw ko din

kailangan ko muna ubusin itong kape ko para mawala ang hangover ko . Sobrang dami kong nainom kagabi kaya hindi ko alam mga pinag gagawa ko

"Tara na " pag aya ko kay kuya joshua.

tinignan ko ang orasan at late na nga kami hindi kami dapat kabahan dahil kamag anak ni kuya joshua ang guard kaya kahit na late na late na kami eh pinapapasok pa din kami

"Sumakay na tayo may announcement pa naman si sir nako " naiinis na sabi ni kuya joshua

Nagtataka ako kung babae ba siya o lalaki dahil sa mood swing niya

Agad kaming nakasakay dahil late na nga kami hindi pa rin talaga mawala ang sakit ng ulo ko pero hindi rin mawala ang itsura ni angel sa utak ko

"Kuya ako na magbabayad" pag aalok ko dahil naka simangot na siya

agad kami pumasok pagkatapos tignan ang id naman dahil kakilala nga kami ng mga guard.

Fourth Floor pa ang room namin wala namang elevator kaya nakakapagod umakyat

"Kilala ko na yung babaeng pinapantasya mo nanaman " Pag babasag ng ingay ni kuya joshua

"H-Ha? " Nag kukunwaring taka ko dahil alam ko may nasabi nanaman ako kagabi sa inuman

"Ikaw talaga mark hindi na nawala sayo yung ganiyang ugali . Huwag ka sanang magdrama kapag nasaktan ka kasi alam kong iiyak ka nanaman. " Pagpapaalala sa akin ni kuya joshua

Alam ko kung bakit ganiyan ang sinasabi niya dahil noong unang pasukan nagkaroon agad ako ng girlfriend sa room namin naging ma effort ako dun at sineryoso ko kaso mahal niya pa din ang ex niya na tomboy

"A-ano ba sinasabi mo jan ?" pilit ko pa ding tinatago ang nararamdaman ko para hindi niya ako mahalata

"Panandaliang saya lang yan mark ikalma mo sarili mo"

Naging tahimik na lamang ako ng dahil sa sinabi niya alam king dapat intindihin ko iyon dahil tama naman siya na panandaliang saya lamang ang nararanasan ko ngayon

Napadaan kami sa room ni angel agad ko siyang nakita dahil nakatayo siya kinawayan niya ako at kinawayan ko din siya . parang close na close na kami kahit isang araw pa lamang kaming nagkakilala

"Kilala ko yang ngiting yan " pang aasar ni kuya joshua

Dumaretsyo na lamang kami sa room namin na katabing room lang nila angel , Pinapasok agad kami ni sir dahil nasanay na din siyang lagi kaming late . Nakita ko si shaira at jean na nakikipag kuwentuhan

"Anong ganap bakit tahimik?" Tanong ko kay jevon ang class president namin

"Sermon" sa simple sagot niya pa lamang na yon ay naintindihan ko na agad .

"Anong nangyari shaira bakit napaka konti niyo?" Tanong ni sir kay shaira

Kita sa muka niya na wala siya sa wisyo kaya sumagot siya habang nakaupo agad ko namang nilingon sila luis na pasimple gumagamit ng cellphone

Sobrang haba ng sermon samin dahil lang sa konti kami at ngayon free time namin dahil wala kaming teacher at ang late na si jim ay nagpapatawa dahil sobrang tahimik ng room

Sila shaira ay pinag tri-tripan ang president namin todo picture sila dito at parang may pictorial pa

Pero ako ito nakatahimik at iniinda ang sakit ng ulo ko 

Once Upon a Time an Angel and a Devil Fell In Love (Short story)Where stories live. Discover now