Nagtatawanan kami dito ni Cyrish ng biglang bumukas ang pintuan at niluwa non si Fletcher na ang daming bitbit na pagkain at hingal na hingal.
Okay, acting mode on.
"Kia," Sabi niya at binaba yung mga dala niya sa lamesa at lumapit sa akin tas niyakap ako. "Finally, gising ka na."
Nagpumiglas ako sa yakap niya at naguguluhan ko siyang tinignan.
"Sino ka?"
Nakita kong nanlaki ang mga mata niya at parang naguguluhan siya sa nangyayari. Wooh, Kia, pigilan mo ang pagtawa mo kundi sayang ang pag acting mo!
"Sino ka ba?" Tanong ko ulit sa kanya.
"H-hindi mo ako maalala?" Nauutal na tanong niya. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko. "Ako to si Fletcher, ang asawa mo." Tas nakita kong nangingilid na ang mga luha niya.
Kingina? Asawa daw? Eh hindi ko man nga jowa to eh!
"Sorry pero wala akong asawa na pandak." Sabi ko kaya napatingin ito sa akin ng sobrang sama.
Dahil doon ay di ko na napigilan matawa. Narinig ko din yung tawa ni Cyrish.
"Galing mong um-acting, Kia!" Natatawang sigaw ni Cyrish sa akin.
"I know right!" Tas kinindatan ko siya bago tumingin kay Fletcher na ang sama ng tingin sa akin. Luh, galit?
"Sa tingin mo nakakatuwa yon?" Seryosong tanong niya sa akin.
"Hehe, medyo?"
"Grabe! Muntikan na akong maiyak dahil sa ginawa mo! Akala ko nakalimutan mo na talaga ako huhuhuhu kaso naalala ko na bakit ka magkaka amnesia e leukemia ang meron ka?"
"Parang bakla naman to." Rinig kong sabi ni Cyrish.
"Bakla naman talaga to." Mahinang sabi ko.
"Ako bakla? Gusto mong gahasain kita dito?" Pagbabanta niya sa akin.
"Hehe, joke lang. 'To naman." At niyakap ko siya kaya niyakap niya ako pabalik.
"Wow, baka nakakalimutan niyo, may single ho dito!" Sigaw ni Cyrish sa aming dalawa.
"Ge, papaligaw ulit kita kay Gunner." Sabi nitong pandak kay Cyrish.
"Whatever." At inirapan pa kaming dalawa.
BINABASA MO ANG
Chasing My Suitor
Short Story[ c h a s e s e r i e s #1 : ( b a n g t a n v e l v e t s e r i e s #5 : Kang Seulgi x Park Jimin ) ] "Hi, pwede bang ako na lang ulit ligawan mo?" Story Rankings: #373 in Short Story #135 in Jimin #467 in Bts #5 in Suitor #101 in Red Velvet #15 in...