+ 045

333 19 3
                                    

Kumatok muna ako sa pintuan bago ako pumasok sa kwarto ni Circe dito sa hospital. Binuksan ko iyon at nakita kong siya lang mag isa ang nandoon sa loob.

"Kumusta na pakiramdam mo, Circe?" Tanong ko at umupo sa may tabi ng hospital bed.

"Lalo lang lumalala sakit ko." Mahinang sabi niya.

Naging tahimik ulit yung paligid after niyang sabihin iyon. Di ko alam anong sasabihin ko sa kanya dahil hindi naman kami close.

"I saw you last time dito sa hospital. You're with a doctor." Sabi niya na ikinagulat ko. No, hindi niya pwedeng malaman yung sa sakit ko. "I talked to that doctor and nalaman ko na may leukemia ka."

"Please, wag mong sasabihin sa iba yung tungkol sa sakit ko. Kayo kayo lang ng mga kaibigan ko ang nakakaalam about sa sakit ko." Pagmamakaawa ko sa kanya. Tumango naman siya kaya nakahinga na ako ng maluwag ulit.

"And I know na kailangan mo din si Fletcher pero mas kailangan ko siya, Kiara. So, can you please stop messaging and talking to him para sa akin lang siya naka focus?"

Eto pala ang dahilan niya kung bakit niya gusto na makipag kita ako sa kanya. Gusto niyang layuan ko na ng tuluyan si Fletcher.

Chasing My SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon