+ 014

329 22 2
                                    

"It's been a month since nung last tayong nagpunta dito." Masayang sambit ni Ariadne.

"Dating pwesto." Sabi ni Cyrish kaya dumaretcho na kami sa old place namin dito.

Nang makaupo kami ay agad kaming nag order ng alak at pagkain para naman may laman ang mga tyan namin kahit papaano.

Mga ilang minuto lang ay dumating na ang inorder namin at uminom na kami. Nang maka limang bote na ako ay tumayo ako at naramdaman ko ang pagkahilo. Hindi ko nalang pinansin yon at pumunta sa dance floor at nagsimulang sumayaw.

Habang sumasayaw ako ay may naramdaman akong humila sa akin papalayo doon.

"B-bitawan mo a-ako!" Sabi ko doon sa may hawak sa akin.

"Iuuwi na kita."

That voice. Kahit naman na nahihilo ako ngayon ay kilalang kilala ko ang boses na yon.

Hindi na ako naglaban pa at hinayaan siyang dalhin ako sa kotse niya. Nang makaupo ako ay inayos ko ang pwesto ko at naramdaman kong bumibigat na ang talukip ng mga mata ko.

"You're making me worried, Kia." That's the last thing I heard before sleeping in his car.

Chasing My SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon