+ 068

284 12 0
                                    

"Welcome to Philippines!" Bati sa amin nung staff sa NAIA.

Kadating namin sa labas ay naghintay kaming lima sa sundo namin. Naunang dumating ang driver namin sa bahay kaya nauna ng umuwi sina mommy at daddy. Kaya kaming tatlo nalang nina Cyrish at Fletcher ang naiwan dito.

"Ang tagal naman ata ng sundo natin." Sabi ko at sinimulang paypayan ang sarili ko dahil ang init ng panahon ngayon.

Mukhang lalong uminit nung bumalik ako dito ah. Hehehe joke lang.

"Malapit na daw sundo natin." Sabi ni Cyrish habang nakatingin sa phone niya. Mukhang may katext ang gaga.

Naghintay pa kami ng ilang minuto bago makarating yung sundo namin. Nang makaupo ako ay nakita kong naka face mask sina Cyrish at Fletcher.

"Anong meron?" Tanong ko sa kanila kaya napatingin ako dun sa driver at may inispray ito na kung ano man yon.

Maya maya lang ay naramdaman kong unti unti na akong nilalamon ng dilim at sa huli ay nakatulog ako.

Chasing My SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon