Operation: Comeback (Taming Janica Ferrel)
"Tito, Tita..." kamot batok akong nakatayo sa harap nina tita. Seryoso naman silang nakatingin sa akin habang nakaupo sa sofa sa sala nila. Napalunok ako. "Ayaw kong mawala si Janica sa buhay ko, tulungan n'yo naman po ako sa kan'ya oh."
Pinagpapawisan ako ng malamig habang pinapakiramdaman ang kanilang reaksyon, ngunit nanatiling blangko ang kanilang mga mukha habang nakatingin sila sa akin. Napalunok ako sa ikalawang pagkakataon.
Mukhang lalabas yata ako ng bahay nila ng busog sa laway.
"Hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit s'ya nakipaghiwalay sa akin. Tito, tita... Tulungan n'yo naman ako oh."
Seryoso ako. Kahit na maubos ang pride ko sa panliligaw sa mga magulang ni Janica, para sa kan'ya wala akong panghihinayangan.
Wala si Janica ngayon sa bahay nila, may lakad sila ng mga kaibigan n'ya kaya nang makahanap ako ng tyempo ay di na ako nag-aksaya pa ng oras para puntahan at kausapin ang kanyang magulang.
Naghiwalay kami ni Janica nang walang dahilan, nagising na lang ako noong Graduation Day namin at nakatanggap ng text mula sa kan'ya na nagsasabing makikipaghiwalay na s'ya.
"Dave," natigilan ako nang marinig ang malamig at malalim na boses ni Tito Daniel, at bahagyang iniangat ang ulo para salubungin ang kanyang tingin. "I-impake mo na mga gamit mo sa bahay n'yo, dito ka na matutulog sa buong bakasyon."
BINABASA MO ANG
Operation: Comeback (Taming Janica Ferrel)
RandomOperation Series #1 What if one day you'll just wake up living with the same roof with your ex? Ang mas masaklap pa ro'n, payag pa ang parents mo! Oh gods, this is more than hell.