Chapter 1: CLUES AND GLUES

6 0 0
                                    

Chapter 1

Dave Alfaro's POV

6:45 pm na ako nakabalik sa bahay nina Tito Daniel, buong akala ko ay nakauwi na si Janica kaya naman pinagmadali ko pa ang driver namin para dumiretso sa bahay nina Tito. Nabunutan ako ng tinik nang malamang wala pa s'ya.

"Ayos ba acting namin, Dave?" biglang tanong ni Tita Riza habang tinutulungan nila akong mag-asawang ayusin ang mga gamit ko dito sa guest room, katapat ng kwarto ni Janica. Kumunot ang noo ko.

Tumatawang inakbayan naman ni Tito si Tita saka ako hinarap, napaayos naman ako ng tayo. "Hindi naman kasi talaga kami galit kanina, mukha kang tensyonado habang kausap kami." sabi pa ni Tito saka hinarap si Tita. "Pwede na pala tayong sumali ng PBB, mahal." inangat pa ni tito ang palad n'ya para makipag apir kay Tita.

Nasapo ko na lang ang aking ulo at saka napailing. Narinig ko pang nagtawanan sila.
Sa kanila talaga nagmana si Janica.

"Oh s'ya sige, maiwan ka na namin dito ilang minuto na lang darating na si Janica." kinindatan pa ako ni Tita.

"Oh ayan," iniabot sa akin ni Tito ang isang notebook. "Baka sakaling makatulong. Galingan mo, Dabid. You have 100 days to tame our daughter."

"100 days, wag mo sanang sayangin."

Iyon ang huling sinabi ni Tita bago nila ako iwan sa guest room. Isinara ko ang pinto, at sandaling natulala. Bakit ang lungkot ng mga mata ni tita?

Napailing ako nang may maramdamang kakaiba sa t'yan ko. Biglang bumigat ang pakiramdam ko.

Inilibot ko ang aking paningin sa kabuoan ng kwarto. Mula sa gray wallpaper, gray na curtain na malayang tinatangay ng hangin na pumapasok sa sliding window, lampshade na nakapatong sa side table, sa higaan kong purong gray and good for one person, hanggang sa walk-in closet. Walang sariling CR ang guest room kaya kailangan ko pang dumiretso sa kusina dahil doon ang CR.

Gray's my favorite colour, mukhang sinadyang pinagawa ito para sa akin.

Natawa ako ng mahina sa naisip at napatingin sa notebook na hawak ko.

OPERATION: COMEBACK

Ang nakasulat sa cover ng notebook na maroon.

Eh? The ef? Gusto kong lumabas ng kwarto at itanong kina tita kung sinadya ba nilang gawin yun para sa amin, o parte na naman ito ng acting kuno nila, ngunit nang marinig ko ang yabag ng mga paa patungong katapat ng kwarto ko ay napatahimik ako.

"BILISAN MONG MAGBIHIS AT KAKAIN NA TAYO!" dinig ko pang sigaw ni tita mula sa baba.

"OPO MAMA!"

Napakagat ako sa ibabang labi ko nang marinig ko ang pag-utot n'ya. Pigilan mo ang pagtawa mo, Dave pakiusap.

"Ang bango ng utot ko shet." narinig ko pang bulong n'ya saka nagbukas ng pinto.

Tuluyan na akong natawa habang nakatakip ang unan sa bibig ko. Damn, I really missed her.

Mabuti na lamang at kumain na ako bago bumalik dito sa bahay nina tito, kaya hindi kami magkakasabay ni Janica ngayon, ang plano ay bukas ko s'ya susorpresahin. Bigla akong kinabahan.

Habang naghihintay na dalawin ng antok ay naisipan kong basahin lahat ng nakalagay sa notebook na ibinigay ni tito.

Binuklat ko ang first page, at bumungad sa akin ang pamilyar na penmanship ni Janica.

[100 days, sa 100 days na ito ay kailangan kong ma-accomplish lahat ng listahan. Kapag hindi na-accomplish lahat ng nasa listahan ay may karampatang parusa.

Operation: Comeback (Taming Janica Ferrel) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon