Chapter 2: DAY 1 Pt. 1

10 0 0
                                    

Chapter 2

Dave Alfaro's POV

"Bakit nandito ka?" Agad na tanong sa akin ni Janica nang makarating kami sa veranda. Masungit ang mukha nito habang nakatingin sa akin.

Kakatapos lang namin kumain, at habang nasa hapag kami kanina ay parang may invisible zipper sa bibig n'ya dahilan para tuluyan na lang s'yang manahimik the whole time, ang ending ako na naman ang bida-bida. Kapag naman kinakausap ko s'ya ay puro irap lang ang natatanggap ko.

Ngumisi ako. Masakit dahil hindi naman s'ya dating ganito sa akin. Gusto kong itanong kung bakit at anong ginawa kong mali para iwan n'ya ako ng walang dahilan?

"Ayaw mo ba no'n babe? Buong bakasyon mong makikita ang pogi kong mukha?" Mapang asar ang tonong sagot ko sa kan'ya. Ngunit nakatanggap lamang ako ng irap. Kung nako-convert lang ang irap into pera, yayaman na ako sa dami ng irap na natatanggap ko.

Pinagkrus n'ya ang kanyang mga braso at diretsong tumingin sa akin, "Umalis ka na dito." kumunot ang noo ko, "Ayaw kong nakikita ang pagmumukha mo dito."

Nanuyo ang lalamunan ko. Nasasaktan ako sa mga sinasabi n'ya, ngunit pinipilit kong maging matibay.
"Wha– hindi ako sa'yo nagpaalam, Janica. Sa mga magulang mo. Wether you like it or not, I'll stay."

I know this will be a wrong move for me, kasi may chance na hindi ako nito papansinin pero wala na akong pake, kung magiging superior s'ya ay ako ang matatalo.

"This is also my house, Alfaro–"

"Cut it off, Ms. Ferrel. May permiso na ako sa mga magulang mo and you can't even do anything about it." may diin ang bawat salitang sabi ko pa.

At para mas magmukhang cool, nag-walk out ako.

Tignan natin kung hindi s'ya makonsensya.

"Psh kalalakeng tao, lakas mag-walk out." dinig kong bulong pa n'ya kaya hinarap ko s'ya ng nakangisi. Nanlaki naman ang mata n'ya.

"Psh kababaeng tao, bilis mainis, pero mas nakaka-in love." panggagaya ko sa naiinis n'yang boses, ngumiti ako ng malawak, at kinindatan ko s'ya saka dumiretso na sa kwarto. Narinig ko pa s'yang nagdabog kaya napatawa ako ng mahina.

Siguro, bad idea 'yung lagi akong under at sobrang supportive na boyfriend kay Janica. Siguro nga ay nakakaumay yung gano'n. Bumuntong hininga ako.

Kung kailangan kong baguhin ang sarili ko para kay Janica, gagawin ko.

Binuksan ko ang phone ko. Tumambad sa akin ang lockscreen wallpaper na picture naming dalawa ni Janica, nakayapos ang kanyang mga braso sa leeg ko habang yung labi n'ya ay nakadikit sa pisngi ko. Ang saya ng mga mata n'ya.

Hindi ko namalayang may luha na palang dumadaloy sa pisngi ko.

How can I be so weak when it comes to you, Janica? Bakit mo ako pinahihirapan?

Pinunasan ko ang luha ko. I just can't show her I'm effing useless. Baka tuluyan n'ya na akong iwan.

Tinext ko ang isa kong pinsan na kaibigan din ni Janica na si Leah, at ang iba pa naming common friends ni Janica para tulungan ako sa Operation: Comeback Day 1. Alam nila ang tungkol sa amin ni Janica, mula no'ng maging kami hanggang sa naghiwalay kami. Miski sila ay hindi alam ang dahilan ng pakikipaghiwalay sa akin ni Janica.

5 years, 5 years na pala sana kami ngayong June kung hindi n'ya lang ako hiniwalayan. Sinayang n'ya lang pero gagawin ko ang lahat para maging kami parin sa huli.

"Hindi ka lalabas ng bahay, Janica."

"What?! Eh ang boring dito sa bahay Pa. Atsaka may pupuntahan pa ako eh. Please, Papa? 'Diba? Yung plano ko para sa 100 days? 'Di naman ako magpapagabi eh."

Operation: Comeback (Taming Janica Ferrel) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon