Chapter 3
Dave Alfaro's POV
Hawak ang mga pulso ni Janica, hinila ko s'ya papasok ng simbahan. Tahimik pa rin s'ya sa hindi malamang dahilan ngunit hindi ko na pinansin pa at naupo sa pinakadulong upuan sa dulo ng simbahan. Walang masiyadong tao ngayon tanging ingay lang ng ibon ang siyang nagbibigay ingay at iilang mga matatanda na nagrorosaryo.
Ilang minuto lang kaming tulala doon at nakatitig sa rebulto ni Jesus. Napapikit ako at bumuntong hininga saka lumuhod. Tae ngayon lang ako nakabisita ulit sa simbahan matapos ang ilang buwan.
Lord, hindi ako pala-simbang tao katulad ng babaeng nasa tabi ko. Unang una sa lahat, nais kong magpasalamat sa mga biyayang natanggap ko araw-araw, salamat dahil nabigyan mo ako ng pagkakataong makasama ulit ang babaeng mahal na mahal ko, humihingi rin ako ng tawad sa mga kasalanang nagawa ko, sa isip, sa salita, at sa gawa.
Lord, kung may hihilingin man po ako ngayon, yun ang 'yong bumalik s'ya sa akin, at maiharap ko s'ya sa inyo sa tamang oras at pagkakataon.
Lord, hindi ko kasi kayang mawala s'ya eh...
Ilang minuto pa akong nakaluhod at nakapikit, sinasapuso ang bawat salitang binanggit ko sa isip. Naimulat ko ang aking mata nang marinig ko ang mahihinang paghikbi ni Janica. Agad akong napalingon sa kaniya.
Napaupo ako ng wala sa oras, napakapa pa ako sa pants ko at laking pagkadismaya ko nang wala akong makapang panyo. Aish kainis naman!
Napansin niya na yata ako kaya mabilis niyang pinahid ang kaniyang luha. Mabilis akong dumikit sa kaniya at akmang ipapahid na ang laylayan ng damit ko, ngunit lumayo naman ito ng ilang pulgada sa akin "A-ano ka ba, okay lang Dave."
"A-ayos ka lang? May masakit ba sa'yo?" ngumiti ito at saka umiling.
Habang pinagmamasdan siya, narerealise kong dapat ko pa siya lalong pahalagahan habang nandito pa siya, habang nakikita ko pa siyang ngumingiti, dahil kapag nawala siya... Baka hindi ko na alam kung paanong aahon pang muli.
Napailing ako sa naisip.
Kung makapag salita naman ako parang mawawala na sa mundo si Janica.
Sana dininig ng Diyos ang panalangin ko. Magpapari ako kung saka-sakali mang dumating ang araw na kailangan ko na talagang bitawan siya. Dahil hindi ko na kayang magmahal pa ng iba kung hindi lang din naman siya.
"D-Dave?"
Bumalik ako sa reyalidad nang marinig kong banggitin niya ang pangalan ko. Hanggang ngayon tila ba parang musika sa aking tenga ang paraan ng kaniyang pagtawag sa akin. Ngumisi ako.
"Oo nga pala, babe. Tara na may pupuntahan pa tayo."
I grabbed her hand and intertwined it as soon as we got up, hindi na rin naman siya nagreklamo. Napangiti ako ng palihim.
Bakit ramdam kong mahal mo pa rin ako, Janica?
Hindi naman siguro masamang mag-assume sa loob ng isang daang araw, it would also motivate me to pursue her within these days.
Sa pagkakataong ito hindi ko na siya hinayaang maunang buksan ang pinto ng kotse.
Wala naman itong sinabi at sumakay agad sa kotse pagtapos bitawan amg kamay ko. Napalingon naman ako kay kuya Pits nang pumeke ito ng ubo, nakasandal siya sa pinto ng driver's seat at nakakrus ang mga braso.
"Mukhang nagkakamabutihan na kayo ulit ni Ma'am ah." tumaas baba ang kilay nito, nang aasar. Natawa naman ako ng mahina at hinimas batok.
"Ewan ko ba kuya, nagsusungit eh."
BINABASA MO ANG
Operation: Comeback (Taming Janica Ferrel)
RandomOperation Series #1 What if one day you'll just wake up living with the same roof with your ex? Ang mas masaklap pa ro'n, payag pa ang parents mo! Oh gods, this is more than hell.