Chapter 4
Dave Alfaro's POV
Nagising ako sa hilik ng isang babaeng nasa tabi ko. Tumagilid ako para harapin ang natutulog na mukha ni Janica, nakapatong ang ulo niya sa braso ko at tumatama sa ilong ko ang paghinga niya. Ang bango pa rin ng morning breath niya putcha. Napangiti ako.
Kababaeng tao ang lakas humilik.
Nasa loob kami ng Tent na itinayo ng mga kaibigan namin, dito na kami natulog. Wala namang problema, dahil kumpleto na ang mga gamit sa loob.
Napansin kong nasa likod na ni Janica ang unan na dapat namamagitan sa amin. Natawa ako, kagabi ay halos ayaw niyang matulog hanggat walang unan sa pagitan namin. Pasimpleng chansing din talaga tong babe ko. Tsk tsk.
Wala namang nangyari, matapos ang ilang pag-uusap kagabi ay nagpasiya na kaming matulog. Basta ang alam ko lang ngayon babalik ako sa panliligaw. Napangisi ako.
Ilang minuto pa akong nabubusog sa kakatitig sa kaniya, sa maganda niyang mukha, nagpipigil sa tawag ng tukso. Nasa ganoong posisyon parin kami nang bigla niyang minulat ang kaniyang mata kaya mas lalong lumawak ang pagkakangiti ko.
Taena paano ako mag mo-move on sa ganitong klase ng babae? Ang hirap pre. Every single day God has made mas lalong lumalalim nararamdaman ko.
"In love ka na naman." matunong siyang ngumisi, may bahid ng pagyayabang.
Tumawa ako, namamangha. "Hindi ko na itatanggi yan." hinalikan ko ang ilong niya dahilan para matigilan siya. Bigla akong kinabahan.
Tangna! Nagalit ba siya?
Aish! Hindi ka kasi nag iisip Dave!
Bigla itong bumangon at mabilis na inayos ang buhok. "A-anong oras na?"
Mabilis kong inabot ang cell phone ko sa tabi at tinignan ang lockscreen. "7:12 am."
"Tulog pa ba ang love birds?"
"Kingina, gisingin niyo na pre gutom na ako!"
"Hampasin mo ang tent, Pirate!"
"Hampasin mo raw ang tent, Francis."
"Wow pasa pasa ng utos ganun?"
"Ako na."
Kumunot ang noo ko, nilingon ko si Janica na mukhang nagtatanggal ng muta. "Mukhang inaantay na tayo sa labas." alanganin naman siyang lumingon sa akin at saka ako tinanguan.
Mula sa loob ng tent nakita ko ang isang pigura na papalapit sa tent namin, kaya bago niya pa mahampas inunzip ko na ang pinto ng tent at lumabas. Bumungad sa akin ang gulat na mukha ni Juan Karlos.
"Akala ko di pa kayo gising." Tinapik niya ang balikat ko at saka tumakbo pabalik sa mahabang mesa na mukhang binuhat pa nila galing sa loob ng mansion.
Inantay kong lumabas ng tent si Janica at sabay kaming lumapit sa kinaroroonan ng mga kaibigan namin.
"Ano pre? Naka-score ka ba kagabi?" Agad na bulong sa akin ni Pirate pagkaupong pagkaupo ko sa tabi niya. Mahina ko naman siyang sinuntok sa tiyan niya, tatawa tawa naman itong humiwalay sa tenga ko.
"Ikaw nga diyan eh, matagal nang pinopormahan si Francis Marie, wala pa rin." ngumisi ako ng malawak na halos kita na ang gilagid para lang maasar si Pirate. Inirapan naman ako nito. Bading talaga.
"Pareho lang naman kayong mahina." Biglang pumagitan sa amin ang boyish naming kaibigan na si Sheena. "Tamo pre, ang close ni Janica at Jk, payag ka ba diyan?"
BINABASA MO ANG
Operation: Comeback (Taming Janica Ferrel)
De TodoOperation Series #1 What if one day you'll just wake up living with the same roof with your ex? Ang mas masaklap pa ro'n, payag pa ang parents mo! Oh gods, this is more than hell.