5: CONFESSION

35 1 0
                                    

Hays, Absent ngayon si Valerie. Si Xena at Pen naman parang wala sa mood makipag chikahan kaya andito ako kina Kirby, dito nalang ako makikipag chikahan. Hehe

"Star totoo na talaga to. Gusto daw makipag usap ni Tristan sayo mamaya" Parang paulit ulit nato si Third aah.

"Ewan ko sayo. Hindi naman totoo yan eh." Pakipot na sabi ko. Alangan naman maniwala ako kaagad diba?

Kasi naman! Bakit makikipag usap sakin si Tristan eh ang tahimik tahimik na tao nun. Parang babayaran mo pa nga para mag salita eh.

"Hindi ako nangloloko noh diba Kirbs?" Sabay kalabit kay Kirby na busy'ng busy sa cellphone nya

"Wag mo nga akong dinadamay jan. Wala akong alam." Balewalang sabi nya.

Nakakatawa talaga tong silang dalawa. Hindi man lang sinusuportahan ni Kirby ang mga kalokohan ni Third.

"Sabi ko sayo eh. Nangloloko ka na naman Tsss" Sabi ko kay Third. Parang feeling ko kami ni Third ang ma de-develop sa isa't isa neto eh. Kasi ang close close namin. Haha! Kalokohan talaga pag nangyari yan.

"Totoo nga sabi eh!!!"

"Bakit nagagalit ka?" Natatawang sabi ko

"WAla lang. Hindi ako galit. Pero totoo nga Star. Fans nyo ako ni Tristan eeh. Swear" Parang bakla mag salita tong isang to. Nakakatawa.

"Asan ba si TRi---" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko kasi may biglang humila sakin.

-

-

-

-

-

-

-

"Ano ba?!!!!!!!!!!!!" Pasigaw kong sabi. Eh ang sakit nang kamay ko eh.

Dinala nya ako dito sa may hagdanan nang school. Parang walang medyong tao.

"Mag pag uusapan lang tayo."

Pakshet. Si Tristan pala ang humila sakin

"Ah-eh-eh hehehe. Ano ba yon? Tska dapat sabihin mo naman kung hihilahin mo ako. Kasi yan tuloy nasigawan kita. Sorry"

Sabi ko nang pahinhin para dagdag point *0* Enebeyen. Kakahiya nman tong inasal ko. Tsk

"Ang ingay mo kasi kaya hinila nalang kita." Sabi nya. Ang weird talaga neto.

Pag nagsasalita sya hindi man lang nakatingin sayo. Kahit san pupunta yang kamay nya. Yung malikot na kamay. Ewan ko ba dito. Tsaka parang trip nya lang ata to eh.

HAHA! ASSUMING KA NAMAN STAR?

Teka,

"Uhhm, ano ba ang pag uusapan natin?"

"Gusto lang kitang makausap saglit" Totoo pala sinabi ni Third. Sabay ngiti nya saakin. At agad na umiwas nang tingin.

Two Months CommittedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon