=*=*10*=*=

44 3 0
                                    


Sophia's POV

Ang saya talaga! Buti na lang nakilala ko si Axel! Teka meron na kong masusulat sa notebook ko.

"Hi my dear notebook! Matagal-tagal na din ang huling sulat ko sayo, pero ngayon masaya na ko ulit dahil nakakilala na ko ng tunay kong kaibigan pero yung isa ko namang nakilala ang sungit sungit. Siguro hindi ko pa sya kakilala ng husto, parang familiar nga sakin ang mukha nya pero hindi ko matandaan kung saan ko sya nakita. Sa ngayon yun lang my dear notebook."

Nung nilipat ko sa next page ang notebook ko biglang may nalaglag na panyo!

Oo nga pala sino nga ba ang nagbigay sakin nito? Sabi ko sa kanya umalis na sya pero nagulat na lang ako sa kanya kasi pinakuwa nya muna sakin yung panyo nya bago sya umalis at sabay sabing "wag ka ng umiyak, marami ka pa dyang makikitang tunay na kaibigan."

Sino kaya sya? Bata pa kasi kami non nung nangyari yon pero kung may picture man sya kahit nung kabataan nya lang sigurado akong maaalala ko sya, pero imposibleng mangyari yon. Kung makikita ko man syang muli mag t-thank you ako sa kanya dahil nung araw na yon pinasaya nya ko.

Alex's POV

Matagal tagal na din ng huling makita ko ang kanyang tunay na ngiti.

Hi Kuya!

Hello little girl, come here!

Kuya, can I ask a question?

Sure little princess what is it?

Do you love Ate Sophia?

No, I don't love her! Maybe I love her because she's my friend.

"That's it? Pero bakit nung tinitignan ko kayo ang saya-saya mo sa kanya tsaka boto ko sa kanya Kuya Alex kasi she's pretty, smart and kind and she makes you happy all the time. Good night Kuya." She kissed me on my cheek. Ang sweet talaga ng kapatid kong to.

Ikaw talaga ang dami mong alam, sige na at matulog ka na.

FLASHBACK

Ngayon alam mo na ang lahat tungkol kay Sophia kaya wag mong pag sasabi yon kahit kanino?

Teka saan mo ba nakuwa yang mga yan?

"Dyan sa tabi tabi---" Hindi ko na sya pinatapos at tumayo na ko kaagad. Na ikinagulat nya.

Oh! Saan ka pupunta?

Kay Sophia!

Bakit diba sabi mo wala kang pakialam sa kanya?

Kanina yon, hindi ngayon! Kaya pupuntahan ko na sya ngayon.

"Hi Sophia bakit nag-iisa---" Hindi pa ako tapos sa sasabihin ng biglang nag salita na sya.

Leave me alone!

"Pero naiyak ka, baka gusto mo ng kau---" She cut my word.

I said leave me alone, okay kaya umalis ka na!

Aalis ako pero kunin mo tong panyong to at wag ka ng umiyak marami ka pa dyang makikitang tunay na kaibigan.

Habang tinitignan ko sya sa malayo, nakita kong ginagamit nya yung panyong binigay ko sa kanya at nakita ko syang ngumiti. Ayos din atleast napasaya ko sya.

END OF FLASHBACK

Simula nung mangyari yon hindi ko na iniiwan si Sophia pero hindi nya alam na sinusundan ko sya actually inalam pa ng Parents ko kung saan sya mag-aaral. Yung sinasabi nyang natutulog ako at nagka-cutting classes paraan ko lang yon para pumayag sya na maging tuitor ko dahil sa totoo lang hindi ko naman talaga kailangan ng tuitor as a matter of fact isa lang yon sa mga plano ko para mapalapit sa kanya kasi gusto ko syang maging kaibigan pero sa nakikita ko mukhang masaya sya kay Tan pero hindi ako makakapayag na sa kanya lang sasaya si Sophia. Kahit nung una ayoko don sa babaeng yon *sigh* gagawin ko ang lahat para maging kaibigan ko din sya or should I say I'll do my best to protect her sa mga taong nakapaligid sa kanya.


I Hate Him But Still I Love HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon