Chapter 15: Everything is Fine

1.3K 14 2
                                    

Pagdating ko sa bahay I just went straight up to my room. Pagkatapos kong mag bihis I went straight to bed. Although I tried, hindi talaga ako makatulog. I can still hear Twinx’ words. Parang echo. “I’m pregnant.” Pungal yan! Badtrip! It echoes through my head na parang isang sirang plaka kaya it was really hard for me to go to sleep kahit na alam kong sobrang pagod ako.

I just stared at the ceiling hoping na baka biglang lumabas dun yung hinahahap kong mga sagot sa mga tanong sa utak ko na nagpapagulo ngayon ng buhay ko.

While staring sa ceiling biglang nagring yung phone, nag dadalawang-isip pa nga ako at first kung sasagutin ko eh, pero I decided to answer it na rin baka kasi importante. Still staring at the ceiling inabot ko yung phone sa may bedside table and answered it.

“Hello?" shettt! kilala ko yung boses na yun. Sa pagsabi pa lang niya ng hello naiyak na ko agad. “Hello? Pare are you there?”  sabi niya, hindi kasi ako agad nakapagsalita.

“Oh hey” sabi ko, parang yun lang kasi nakayanan kong sabihin eh.

“Congrats nga pala ha, galing mo kanina.” sabi niya happily pero I could tell in his voice na parang malungkot siya na whatever, yung parang pinipilit lang niya yung sarili niya na maging masaya as he had always been kapag may problema kami.

“Ah yun, thanks.” sabi ko tapos wala ng nagsalita. It was followed by a very deafening silence. Hindi ko na kasi nagawang magsalita eh.

“Sayang hindi na tayo nakapag-usap kanina.” sabi niya bigla.

“Oo nga eh” sabi ko trying to hide from him the fact na i’m crying, knowing him for sure mag-aalala yun kapag nalaman niya na umiiyak ako. 

“I was going to tell you something pa naman.” sabi niya, hindi pa rin ako nakapagsalita. I just touched yung bracelet niya while silently crying. “I was looking forward to talking to you pa naman.” tuloy niya,  tapos another deafening silence. Di ko na kayanan, nagsalita ako.

“Ano ba yung sasabihin mo? Was it about the pregnancy of Twinx?” sabi ko sa kanya trying my best to hide my tears, kahit na talagang sobrang sakit.

“Uhmm, wala lang yun. I’ll tell you in time na lang. Akala ko kasi ready na ko kanina eh, yun pala hindi pa.” sabi niya.

“So, it was about Twinx’ pregnancy?” sabi ko na lalong naiiyak.

 

“No, I also had no idea na buntis pala siya.” sabi niya tapos bigla siyang natigilan, feeling ko naiiyak na din siya eh.

Love Story of Best Friend [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon